• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 tricycle driver naaktuhan nag-aabutan ng droga sa Valenzuela

BAGSAK sa kalaboso ang dalawang tricycle driver na sangkot umano sa ilegal na droga matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan umano ng shabu sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang sina Anthony Delupio “Tonet”, 36, tricycle driver ng No. 6111 Upper Tibagan Gen T De Leon, at Roger Ramos, 44, tricycle driver ng 1072 Ugong.

 

 

Ayon kay Col. Destura, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joel Madregalejo ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal drug activities sa Santos Compound, Brgy  Gen. T De Leon.

 

 

Agad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng validation sa nasabing lugar kung saan naaktuhan ng mga ito si Delupio na may iniabot na isang plastic sachet ng umano’y shabu kay Ramos dakong alas-2: 45 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

 

 

Ani PCpl Christopher Quiao, nakumpiska sa mga suspek ang pitong heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, P500 seized money, coin purse at cellphone.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Kahalagahan ng Agosto 21‘wag kalimutan

      MARIING hinikayat ni dating Manila Mayor at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang mga Pilipino na huwag kalimutan ang kahalagahan ng Agosto 21 sa kasaysayan ng ating bansa tulad nang pagpapasabog sa Plaza Miranda noong 1971 at ang pagpatay kay da­ting senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. noong 1983.         “Dapat tayong […]

  • Mahigit 8M, mga nabakunahan sa tatlong araw na National Vaccination day

    UMABOT sa 8, 014, 751 ang mga nabakunahan sa katatapos lang na 3 day Bayanihan, Bakunahan.   Sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa Public briefing, na ang higit 8 million recorded jabs ay “as of 6am” pa lamang ng Disyembre 3.   Hindi pa aniya pumapasok ang iba pang data lalo na […]

  • Tsina, itinanggi na hina-harass ang Pinas

    MARIING itinanggi ng Tsina na hina-harass nito ang Pilipinas sa kabila ng napaulat na agresyon na ginawa nito sa Philippine vessels, kabilang na ang mapanganib na pagmaniobra, araw ng Martes, Marso 5 na nauwi sa banggaan ng mga barko ng magkabilang panig.           “There is no such situation of China ‘harassing’ the Philippines,” […]