2 tulak arestado sa P204K shabu sa Malabon
- Published on December 9, 2021
- by @peoplesbalita
KULONG ang dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Ross Deguia, 23 ng Celia I St., Brgy. Bayan-Bayanan at Christopher Sunglao alyas “Pudong”, 35 ng Brgy. Longos, kapwa (pusher/watch listed).
Ayon kay Col. Barot, dakong alas-3:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy busy operation sa Celia II St., Brgy. Bayan-Bayanan kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P500 halaga ng droga.
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu.
Ayon kay SDEU investigator PSSg Jerry Basungit, nasamsam sa mga suspek ang tinatayang nasa 30 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P204,000, buy bust money, at cellphone.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Ban sa marijuana alisin, parang kape lang – Durant
KUNG si Brooklyn Nets star Kevin Durant ang tatanungin, ang paghithit ng marijuana ay kaparehas lang ng pag-inom ng kape. Kaya naman dapat aniya ay tanggalin na ito sa banned substance list ng NBA, dahil hindi naman umano ito nakakasama sa kahit sino. “Everybody on my team drinks coffee every day. Taking caffeine […]
-
Pacquiao may kausap na uli
Matapos gumuho ang plano sanang laban kontra kay World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford, balik sa negosasyon ang kampo ni Manny Pacquiao para sa kanyang susunod na laban. Mismong si Pacquiao na ang nagkumpirma na may gumugulong na negosasyon para tuluyan nang maikasa ang kanyang pagbabalik-aksiyon. Ngunit tumanggi si […]
-
Karagdagan 3 istasyon ng LRT 2 pinag-aaralan
MATATAPOS na ang feasibility study na ginagawa ng Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa pagdadagdag ng 3 istasyon sa Light Rail Transit Line 2 East Extension. Ginawa ang pag-aaral upang maraming pasahero ang mabigyan ng serbisyo at nang mabawasan ang passenger volume na dumarami sa final stop ng Masinag, Antipolo. […]