• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 tulak isinelda sa P139K shabu sa Valenzuela

SA loob ng kulungan nagdiwang ng Pasko ang dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLt Col. Renato Castillo ang naarestong mga suspek bilang sina Joven Palileo, 40 ng Brgy. Marulas at Rose Villena alyas “Monay”, 21, ng Brgy. Bignay, kapwa ng lungsod.

 

 

Sa report ni Castillo kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU-NPD ng buy bust operation sa Galas St., Barangay Bignay kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P2,500 halaga ng droga.

 

 

Matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ay agad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 20.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P139,400.00; buy bust money na isang tunay na P500 bill at apat pirasong P500 boodle money at coin purse.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Gilas 3×3 biyaheng Austria na para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament

    Patungo na sa Graz, Austria ang national 3×3 team matapos ang ilang buwan ensayo sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.     Pangungunahan ni head coach Ronnie Magsanoc ang six-man delagation para sa 2021 FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament mula Mayo 26 hanggang 30.     Binubuo nina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Santi Santillan, […]

  • The forest has secrets. Writer-director Ishana Night Shyamalan dabbles in Irish folklore with “The Watchers”

    “It felt like an unending pool of inspiration to draw from—that’s the dream as both a writer and director.” Ishana Shyamalan was riveted by A.M. Shine’s novel, The Watchers as she was searching for inspiration for her first feature film. Now The Watchers has been transformed into an enthralling horror-thriller, based on the novel and […]

  • Herd immunity sa Maynila kayang maabot hanggang Setyembre

    Tiwala ang Manila City Governments na makakamit nila ang herd immunity hanggang sa Setyembre.     Ito ay dahil sa tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pagpapabakuna sa mga residente doon.     Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na mayroong mahigit 35,000 kada araw silang nababakunahan mula ng palakasin ang vaccination drive ng city government.   […]