2 tulak laglag sa Caloocan drug bust
- Published on December 29, 2023
- by @peoplesbalita
NASAMSAM ng pulisya sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang mahigit P80,000 halaga ng shabu matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Jobert, 35, ng Brgy. 120 ng lungsod at alyas Julius, 44, pintor ng Valenzuela City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na dakong alas-11:31 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Emmanuel Aldana ang buy bust operation sa 2nd Avenue, BMBA Compd., Brgy.120 kontra sa mga suspek matapos ang natanggap na report hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga ito.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksiyon sa mga suspek ng P7,500 halaga ng shabu at nang tanggapin nila ang markadong salapi mula sa pulis kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba.
Ayon kay Col. Lacuesta, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 13 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P88,400 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang 7-pirasong P1,000 boodle money.
Pinapurihan naman ni Gen. Gapas ang Caloocan police sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
3 LRT 2 stations binuksan
Binuksan noong January 24 ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 ang 3 stations na sinarahan dahil sa naganap na sunog noong October 2019. Ang nasunog na 3 stations ay ang Santolan, Katipunan at Anonas. Ang 3 stations ay sinarahan dahil sa nasunog na dalawang (2) power rectifiers o transformers. Ang […]
-
DSWD ‘nag-sorry,’ magsasagawa ng ‘recalibration’ sa ‘payout system’
HUMINGI nang paumanhin si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo matapos na magdulot ng kaguluhan sa ilang tanggapan nila ang programa sa Educational Assistance Payout sa mga student-in-crisis. Layon ng naturang programa sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ay makatulong sa pagbili nila ng mga […]
-
Saunders sasailalim sa operasyon sa mata matapos ang pagkatalo kay Alvarez
Nanganganib na matapos na ang boxing career ni Billy Joe Saunders matapos ang pagkatalo nito kay Canelo Alvarez. Nagtamo kasi ang 31-anyos na si Saunders ng matinding pinsala sa kaniyang kanang mata matapos ika-walong round na pagkatalo nito kay Alvarez. Agad na itinakbo naman sa pagamutan si Saunders matapos ang laban […]