2 tulak laglag sa P240K shabu at damo sa Malabon drug bust
- Published on December 22, 2023
- by @peoplesbalita
MAHIGIT P.2 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa dalawang bagong identified drug pushers matapos madakip sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, Miyerkules ng hapon.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Okeng, 31, at alyas Anjoe, 24, E-trike driver, kapwa ng Bisig ng Nayon, Brgy. 4, Caloocan City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Baybayan na isinailalim ng mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa validation ang mga suspek matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga ito.
Nang positibo ang report, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng buy bust operation kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon ng P12,500 halaga ng droga sa mga suspek.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang brick ng marijuana ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba dakong alas-2:45 ng hapon sa P. Concepcion Street, Brgy. Tugatog.
Ani PSSg Jerry Basungit, nakuha sa mga suspek ang isang brick ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P120,000, isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 20.7 gramo ng hinihinalang shabu na nasa 140,760 ang halaga at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang 12-pirasong P1,000 boodle money.
Nagpaabot naman ng papuri si Gen. Gapas sa Malabon police sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Ipalalabas pa lang ang ‘Rewind’, humihirit na ng next project: MARIAN, hindi magagampanan ang role kung hindi si DINGDONG ang kapareha
IPALALABAS pa lamang sa December 25 bilang isa sa 10 official entries sa Metro Manila Film Festival ang “Rewind” na pinagbibidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, humihirit na agad si Marian ng kasunod under Star Cinema. Obviously, nag-enjoy ito na makagawa ng movie sa Star Cinema, plus co-produced din ng AgostoDos […]
-
LTO naglabas ng SCO laban sa mga operator ng 2 jeep na sangkot sa viral na insidente ng road rage sa Caloocan
NAGLABAS ang Land Transportation Office (LTO) noong Biyernes, Setyembre 27, ng Show Cause Order (SCO) laban sa mga rehistradong may-ari ng dalawang pampasaherong jeep na ang mga drayber ay sangkot sa banggaan at gitgitan na tila dulot ng road rage sa Caloocan. Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, […]
-
Ads June 16, 2022