2 tulak, nadakma sa Valenzuela drug bust, higit P.2M droga nasamsam
- Published on November 9, 2024
- by @peoplesbalita
TIMBOG ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Biyernes ng madaling araw.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong mga suspek na sina alyas “Rey”, 28, tricycle Driver ng Brgy. Malinta at “Nano”, 28, ng San Jose Del Monte Bulacan.
Ayon kay Col. Cayaban, dakong alas-12:35 ng madaling araw ng hating gabi nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado sa San Francisco St., Brgy. Karuhatan matapos umanong bintahan ng P8,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 29.56 grams ng hinihinang shabu na nagkakahalaha ng P201,008.00, buy bust money na isang P500 bill na may kasamang 8-pirasong P1,000 boodle money, P400 recovered money at itim na coin purse.
Ani Capt. Dorado, bago ang pagkakaaresto sa mga suspek ay nakatanggap na sila ng impormasyon hinggil sa umno’y pagbebenta ni alyas Rey ng shabu kaya agad siyang bumuo ng team sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Sinabi ni SDEU investigator PMSg Ana Liza Antonio na nakatakda nilang sampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang Valenzuela police sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ng SDEU kung sino ang pinagkukunan ng mga nadakip ng ilegal na droga. (Richard Mesa)
-
Andrew Garfield Enjoyed Lying About His Role In ‘Spider-Man: No Way Home’
ANDREW Garfield, who portrayed Spider-Man in The Amazing Spider-Man film series, enjoyed lying about his role in Spider-Man: No Way Home. Garfield reprised as the webslinger in the latest installment of Tom Holland’s Spider-Man series, which takes place in the MCU. Tobey Maguire, who has also portrayed Peter Parker in the past in Sam Raimi’s trilogy, joined Garfield and […]
-
Pope Francis, Pope emeritus Benedict XVI nabakunahan na rin vs COVID-19
Nagsimula na ring gumulong ang COVID-19 vaccination program ng Vatican City State ngayong araw, kung saan una sa mga naturukan ng bakuna kontra coronavirus ay sina Pope Francis at Pope Emeritus Benedict VXI. Kinumpirma ito mismo ni Matteo Bruni, director ng Holy See Press Office nang matanong hinggil sa vaccination program sa Vatican City […]
-
Halos P.4M droga, nasamsam sa Caloocan drug bust, 2 timbog
HALOS P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects, kabilang ang na-rescue na isang menor-de-edad na lalaki sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Chief P/Lt. Restie Mables, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y iligal drug activities […]