2 tulak nasakote sa Caloocan buy-bust
- Published on October 31, 2020
- by @peoplesbalita
MAHIGIT sa P.8 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng ilegal na droga na nadakma sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Caloocan police deputy chief for administration P/Lt. Col. Ilustre Mendoza, alas- 9 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo at Tala Police Sub-Station 14 sa pangunguna ni P/Maj. Norbert Holman kontra kay Usodan Sultan, 31, (watchlisted- pusher) ng Riverside Phase 12, Tala sa Kaagapay Road, Brgy. 188 Tala. Kaagad sinunggaban ng mga operatiba si Sultan matapos bentahan ng P34,000 halaga ng shabu si PCpl Jake Rosima na umaktong poseur-buyer. Nakumpiska sa suspek ang aabot sa 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P680,000.00 ang halaga, isang tunay P1,000 bill na nakabungkos sa 33 piraso fake P1,000 bills na ginamit bilang buy-bust money. Nauna rito, alas-7:25 ng gabi nang matimbog din ng mga operatiba ng SDEU sa buy-bust operation sa Kaagapay Road din ang watchlisted-pusher na si Jeric Torres, 43 matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu si PCpl Marben Wandag na umaktong poseur-buyer. Narekober kay Torres ang aabot sa 25 gramo ng shabu na tinatayang nasa P170,00 ang halaga at P7,500 boodle/buy- bust money. Kasong paglabag sa Comprehen- sive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga naarestong suspek. (Richard Mesa)
-
Ilang motorista, maagang nagpagasolina bago pumatak ang panibago na namang big-time oil price hike
ILANG oras pa bago pumatak ang panibagong oil price hike na ipapatupad ngayong linggo ay maaga nang pumila ang ilan sa ating mga kababayang tsuper ng mga pribado at pampublikong transportasyon. Batay kasi sa inilabas na abiso ng mga oil companies, papalo sa Php2.15 ang itataas ng presyo sa kada litro ng gasolina, […]
-
‘2nd middleman’ sa Percy Lapid slay, bantay-sarado ng BJMP
KINUMPIRMA ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa kustodiya nila ang isa pang “middleman” sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at bantay-sarado na nila ito. Ayon kay BJMP chief Director Allan Iral, naka-isolate na sa isang jail facility sa Metro Manila ang middleman na may drug charges para […]
-
Ads October 10, 2022