• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 ‘tulak’ tiklo sa Malabon, Valenzuela drug bust

SHOOT sa selda ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Valenzuela Cities.

 

 

 

Sa report ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nakatanggap sila ng impormasyon ang hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni alyas ‘Tokwa’, 37, kaya ikinasa ng SDEU ang buy bust operation kontra sa suspek.

 

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, dakong alas-9:30 ng Martes ng gabi sa Ilang-Ilang Street corner Ilang- Ilang III St., Brgy. Baritan.

 

 

 

Nakumpiska sa suspek ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price value na P34,000.00 at buy bust money.

 

 

 

Sa Valenzuela, nadakip naman ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban sa buy bust operation sa Ka Melanio St. corner Rincon Road, Brgy. Rincon dakong alas-2:45 ng Miyerkules ng madaling araw si alyas ‘Robert’, 53.

 

 

 

Nakuha ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave sa suspek ang nasa 7 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P47,600.00, buy bust money na isang P500 bill at apat pirasong P1,000 boodle money, 100 rerecovered money at itim na coin purse.

 

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 1965 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Slaughter nagpatali na

    NAGPAKASAL na si Philippine Basketball Association (PBA) free agent Gregory William ‘Greg’ Slaughter ilang oras pagkakopo ng dati niyang team na Barangay Ginebra San Miguel sa 45th Philippine Cup 2020 championship nitong Miyerkoles ng gabi sa Angeles University Foundation Sports Arena sa Angeles, Pampanga.   Itinali angpuso ng 32-taong gulang, may taas na 7-0 talampakan na […]

  • Half-Pinay netter pasok sa US Open quarters

    Gumagawa ng ingay ang isang half-Pinay tennis player sa prestihiyosong US Open na ginaganap sa New York City.     Muling nagpasiklab si Filipino-Canadian Leylah Fernandez matapos patalsikin si 2016 US Open champion Angelique Kerber ng Germany, 4, 4-6, 7-6 (5), 6-2, upang makapasok sa quarterfinals ng naturang Grand Slam kahapon.     Kaya naman […]

  • SWS: 91% ng mga Pinoy takot na mahawa sa COVID-19

    Mahigit siyam sa 10 Pilipino ang nababahala na matamaan sila ng COVID-19 o ang kanilang mahal sa buhay.   Base sa survery na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Nobyembre 21 hanggang 25, natukoy na 91% ng mga Pilipino ang nababahalang mahawa sila o kanilang kamag-anak sa COVID-19.   Sa naturang numero, 77% ang […]