• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 TULAK TIMBOG SA P.7M SHABU

DALAWANG umano’y notoryus drug pushers ang nalambat ng mga awtoridad matapos makuhanan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Norhern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong mga suspek na si Jessie Villazur, 36, ng J.A. Roldan St., at Percival Dela Cruz, 39, ng No. 17, M. Cabre St., kapwa ng Brgy. San Roque, ng lungsod.

 

Ayon kay Gen. Ylagan, dakong alas-9:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang buy-bust operation sa Brgy. San Roque kontra sa mga suspek makaraan ang ilang serye ng surveillance sa kanila.

 

Isang undercover pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng P5,000 halaga ng shabu.

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

 

Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 104 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P707,200 ang halaga, buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 at apat na P1,000 boodle money, 2 cellphones at digital weighing scale.

 

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Navotas City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads October 12, 2022

  • Mga consumers, hinimok ng pamahalaan na mamili sa mga malalaking mga supermarkets at groceries

    PARA makatipid at matiyak na tugma ang SRP sa item na bibilhin ng mga consumers, pinayuhan ni Trade and Industry undersecretary Ruth Castelo na sa mga malalaking pamilihan o sa wholesalers pumunta at bumili ng kailangan upang kahit paano’y makamenos sa mga panahong ito.     Ani Castelo, hindi lang compliant kundi mas mababa pa […]

  • RITA, ‘di nagustuhan ang comment na ‘over acting’ at napag-iiwanan kaya natawag na ‘demonyo’ ang basher

    ISANG netizen na may IG account na @arte.basics ang nagsabing napag-iiwanan daw si Rita Avila pagdating sa aktingan ng mga co-stars niya na sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Maricel Soriano.           Sinagot naman ito ni Rita nang, “oh I am sorry naman kung d ka naayusan sa acting ko.”     […]