• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 tulak timbog sa P 9 milyon shabu sa Valenzuela

UMABOT sa mahigit P.9 milyon halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug pushers na naaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.

 

 

 

Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, dakong 10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcemenf Unit (SDEU) na kinabibilangan nina PSSg Gabby Migano, PSSg Alvin Olpido at PCpl Ed Shalom Abiertas sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ramchrisen Haveria sa Santolan Service Road, Brgy. Gen. Te De Leon kontra kay Shaun Paul Jayme, 37.

 

 

 

Habang nagaganap ang buy bust, ipinakita ng suspek sa pulis na nagpaggap na buyer ang baril na kalaunan ay napagalamang isang gun replica na nakasukbit sa kanyang baywang sabay sabi “Pre galing na ako sa loob, wag ka magkakamali na ituro ako sa mga pulis papatayin kita ha”.

 

 

 

Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng droga ay agad nagbigay ang pulis ng signal sa back up na mga operatiba na mabilis namang lumapit at dinamba ang suspek.

 

 

 

Nakumpiska sa suspek ang nasa 130 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P884,000.00 ang halaga, buy bust money na binubuo ng isang tunay P500 bill at 31 pirasong P500 boodle money, gun replica at motorsiklo.

 

 

 

Dakong 8:20 naman ng gabi nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU si Bengson Radam, 40, tricycle driver matapos bentahan ng P500 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buy bust operation sa T. Conception St. Brgy. Marulas.

 

 

 

Ani SDEU investigator PCpl Christopher Quiao, narekober sa suspek ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P34,000.00 ang halaga, buy bust money, P600 cash, cellphone, 2 ID at sling bag. (Richard Mesa)

Other News
  • Matagal na pinaghahandaan ang bawat role: CARLA, pinuri sa istilo sa pagmi-memorize ng mga linya

    PINURI at kinagliwan ng netizens si Carla Abellana dahil sa kanyang Instagram post na kung saan pinakita niya kung paano pinaghahandaan ang isang role sa movie man o sa teleserye.   Makikita nga sa photo na ibinahagi ng Kapuso actress ang pagsusulat niya sa mga Manila papers na nasa floor at meron din nakadikit sa […]

  • Panawagan ng Tsina na paghahanda para sa sea row; walang bago-PBBM

    WALANG bago sa naging panawagan ni Chinese President Xi Jinping sa armed forces na makipagtulungan para sa paghahanda para sa mga military conflicts sa karagatan. ”Well frankly I don’t think there is anything new there. That’s what they’ve been doing already. They have defined the 10-dash line and they continue to defend it. For our […]

  • VICE, ipinasilip na ang sobrang bongga na bagong bahay

    ANG bongga ng bagong bahay ni Vice Ganda!   Ipinakita niya ito sa kanyang You Tube account. Hindi pa nakalagay ang lahat ng gamit pero base pa lang sa ilang naipasilip niya, sobrang bongga talaga.   Lilipat pa lang si Vice sa bagong bahay dahil suppos- edly, noong March ay tapos na raw sana ito, […]