• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VICE, ipinasilip na ang sobrang bongga na bagong bahay

ANG bongga ng bagong bahay ni Vice Ganda!

 

Ipinakita niya ito sa kanyang You Tube account. Hindi pa nakalagay ang lahat ng gamit pero base pa lang sa ilang naipasilip niya, sobrang bongga talaga.

 

Lilipat pa lang si Vice sa bagong bahay dahil suppos- edly, noong March ay tapos na raw sana ito, pero dahil nagkaroon ng pandemic, naantala at yung mga supplies ay hindi rin nai-ship.

 

Industrial ang peg ng bagong bahay o mansion ni Vice kaya more on metal ang gamit. Wala masyadong wood ang 1,800 sq.meters na bahay.

 

Ang walk-in-closet ang pinakamalaking bahagi ng bahay, next to the master’s bedroom. Pero parang lahat naman ng areas, malalaki. Meron din itong sauna & spa na ayon kay Vice, favorite spot na ng kaibigang si Ryan Bang. Pagkalaki-laki at ang bongga rin ng dirty kitchen. May pagtutol ito sa bonggang kitchen dahil sey niya, hindi naman daw sila nagluluto.

 

Puro lang naman daw sila pa-deliver at ang inuulam nila ay mga simpleng pagkain lang, kabilang na ang galunggong.

 

Ang bongga rin ng swimming pool na elevated at glass pool talaga with jacuzzi. May elevator ang bahay na ayon kay Vice, para sa nanay niya bilang mahihirapan na itong umakyat- baba kapag nasa bahay niya.

 

Obviously, kasama ni Vice ang boyfriend na si Ion Perez sa kanyang bahay dahil nabanggit nito sa kanyang vlog na yung isang area na wala pang plano kung ano ang ilalagay, baka raw gawin na lang niyang gym ng boyfriend.

 

Matagal na raw niyang nabili ang property, may pitong taon na ang nakararaan. Para raw ito sa lolo niya na nang mamatay, nawalan na siyang gana na ipagawa.

 

Marami lang daw ang nagsabi na maganda ang lugar na nakuha niya kaya it took years bago siya nagdesisyon na ituloy na ang pagpapagawa nito at three years in in the making ang bagong mansion na ito ni Vice. (ROSE GARCIA)

Other News
  • Pag-abolish sa SHS, bahala na ang Kongreso na magdesisyon- Angara

    TANGGAP ni Education Secretary Sonny Angara ang pagkapaso ng implementasyon ng senior high school (SHS) curriculum sa ilalim ng K to 12 program, subalit bahala na aniya ang Kongreso na magdesisyon kung ipagpapatuloy pa ito o hindi. Ito’y matapos na maghain si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ng panukalang batas (Senate Bill No. 3001) […]

  • Ipagdasal ang mga opisyal ng pamahalaan at simbahan, panawagan ng military bishop sa mamamayan

    HINIMOK ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga opisyal ng pamahalaan at Simbahan upang maging mabuting lingkod at tagapaggabay sa bawat isa.         Ito ang bahagi ng mensahe ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita ng […]

  • Hinamon ni Mayor John Rey Tiangco ang mga pinuno ng barangay sa Navotas City

    SA ginanap na Sustainable Management and Administration of Local Government through Reengineering and Use of Technology for Barangay Newly Elected Officials (SMART BNEO) Program 2023, hinamon ni Mayor John Rey Tiangco ang mga pinuno ng barangay sa Navotas City na laging hangarin ang kahusayan sa kanilang paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan at lampasan pa ang inaasahan. (Richard […]