• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 TULAK TIMBOG SA P170-K SHABU

Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang natimbog matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinawang buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

Pinuri ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. angĀ  Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warrior dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek na si Joseph Labungray, 32 ng Tondo, Manila at Raul Santiago , 26 ng GMA, Cavite.

 

Ayon kay Col. Mina, dakong 11 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU warrior sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo, kasama ang Tuna SS-1 ang buy-bust operation sa Tuna St. Brgy. 28, Caloocan City.

 

Nagawang makapagtransaksiyon ni PCpl Mark Roland Esliza na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng P7,500 halaga ng shabu.

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang medium sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 25 gramo ng shabu na tinatayang nasa P170,000 ang halaga, buy-bust money at itim na coin purse.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • PDu30, inaprubahan na ang pagpapalabas ng gratuity pay para sa job order at contract of service workers sa pamahalaan

    INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapalabas ng gratuity pay para sa job order at contract of service workers sa pamahalaan bilang pagkilala sa kanilang serbisyo ngayong taon sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Sa ilalim ng Administrative Order No. 38, mabibigyan ang mga contractual at job order workers sa gobyerno ng one-time […]

  • Ads December 19, 2024

  • P5-trillion national budget, imumungkahi ni PDu30 bago matapos ang termino sa Hunyo ng susunod na taon

    IMINUMUNGKAHI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang P5-trillion national budget bago matapos ang kanyang termino.   Nitong Lunes, inaprubahan na ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), isang inter-agency body na ang atas ay magtakda ng macroeconomic targets ng bansa, ang P5.024 trillion expenditure ceiling para sa taong 2022.   Ayon sa DBCC, ang 2022 National […]