2 TULAK TIMBOG SA P170-K SHABU
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang natimbog matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinawang buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Pinuri ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warrior dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek na si Joseph Labungray, 32 ng Tondo, Manila at Raul Santiago , 26 ng GMA, Cavite.
Ayon kay Col. Mina, dakong 11 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU warrior sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo, kasama ang Tuna SS-1 ang buy-bust operation sa Tuna St. Brgy. 28, Caloocan City.
Nagawang makapagtransaksiyon ni PCpl Mark Roland Esliza na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng P7,500 halaga ng shabu.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang medium sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 25 gramo ng shabu na tinatayang nasa P170,000 ang halaga, buy-bust money at itim na coin purse.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Paulo at Michelle, marunong pa ring tumanaw ng loob sa network
NAWALA na ang exclusive contracts ang lahat ng mga artista o tinatawag na network contract nang ipasara ng Kongreso ang ABS-CBN dahil hindi nila inaprubahan ang aplikasyon para sa bagong prangkisa. Ganito rin ang Star Magic talents na puwede silang tumanggap na ng ibang offers sa ibang network base rin sa pahayag ng namamahala […]
-
Relationship status ni PBBM sa pamilya Duterte, ‘It’s complicated.’
“IT’S COMLICATED.” Ganito ilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang relasyon sa pamilya Duterte. Tinanong kasi ang Pangulo sa Foreign Correspondents Association of the Philippines’ (FOCAP) presidential forum sa Manila Hotel kung ano na ang kalagayan ng kanyang relasyon sa pamilya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Inamin […]
-
Kasama sina Maine, Julie Anne at PPop group na Alamat: BingoPlus, inilunsad ang pinakabagong digital perya game na ‘Pinoy Drop Ball’
IPINAKILALA ng BingoPlus, ang nangungunang plataporma ng bansa pagdating sa digital entertainment, ang pinakabagong perya game nito na ‘Pinoy Drop Ball’ sa isang selebrasyong puno ng mga kilalang personalidad noong Linggo, Setyembre 29, sa Grand Hyatt Manila. Tampok sa paglulunsad ang mga pagtatanghal mula sa BingoPlus endorser at TV host Maine Mendoza, at […]