• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 wanted na Chinese National hulisa Cebu at Paranaque

DALAWA pang puganteng Chinese national ang nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) matapos maaresto sa Cebu at Metro Manila.

 

 

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang dalawa na sina Zhu Yuanjiang, 25, at  Ma Mingjie, 51, na naaresto ng BI’s fugitive search unit (FSU) sa magkahiwalay na insidente.

 

 

Si Zhu ay naaresto sa Bgy, Umapad, Mandaue City  habang si Ma ay sa isang subdibisyon sa Paranaque City.

 

 

Sinabi ni Tansingco na si Zhu ay inaresto sa bisa ng warrant of deportation na inisyu ng BI board of commissioners dahil sa pagtatrabaho ng walang permit at  pagiging overstaying.

 

 

Si Zhu ay dating nagtrabaho sa Xinchuang Network Technology Inc., isang online gaming hub sa Pasay City na kamakailan ay sinalakay ng mga awtoridad.

 

 

Habang si Ma ay inaresto dahil sapagiging wanted  mula sa China kung saan pinaghahanap siya dahil sa contract fraud.

 

 

Isang warrant of arrest ang inisyu sa kanya ng Jiangbei district sub-bureau of the Public Security Bureau sa  Chongqing, China noong Dec. 6, 2017.

 

 

Base sa mga awtoridad sa China, si Ma at kasapakat nito ay nakialam sa bank accounts at account names sa isang point of sale (POS) machine merchant  na nagresulta sa illegal na paglipat ng tinatyang 58 million yuan, o mahigit US$8 million mula  sa China Minsheng Banking Corporation patungo sa isang binagong bank account. GENE ADSUARA

Other News
  • Naging totoo lang sa kanyang nararamdaman: YASSER, inamin na nagkaroon ng pagtingin kay CLAUDINE

    INAMIN ni Yasser Marta na nagkaroon siya ng pagtingin kay Claudine Barretto nang gawin nila ang GMA/Regal Entertainment series na “Lovers/Liars.”     Ginawa ng Sparkle hunk ang pag-amin nang masalang sa “hot seat” ng programang “Sarap Di Ba?” nina Carmina Villarroel at mga anak nito na sina Mavy at Cassy Legaspi.     Sa […]

  • Wanted sa murder huli sa manhunt operation sa Malabon

    NALAMBAT ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation ang isang delivery rider na wanted dahil sa kasong murder sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong akusado na si Jomael Pagyunan, 42, delivery rider at residente ng No. 45 Doña Ata, Constantino St. Brgy. Baritan. […]

  • PDu30, hinikayat ang publiko na i-report ang korapsyon sa mga ahensiya ng pamahalaan at magbigay ng makatutulong na impormasyon sa awtoridad

    HINIKAYAT ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang publiko na i- report ang korapsyon sa mga ahensiya ng pamahalaan at magbigay ng makatutulong na impormasyon sa awtoridad.   Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga tipsters  ay makatatanggap ng gantimpala mula sa pamahalaan.   Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito […]