2 wanted na ‘rapist’ nadakma ng Valenzuela police
- Published on July 11, 2024
- by @peoplesbalita
LAGLAG sa selda ang dalawang manyakis na kelot na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos madakma ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Taytay, Rizal at Valenzuela City.
Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguang lugar ng akusadong si alyas ‘Peping’, 29, residente ng lungsod at nakatala bilang top 4 most wanted person sa NPD.
Kaagad inatasan ni Col. Cayaban ang Station Intelligence Section (SIS) na bumuo ng team para tugisin ang akusado na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-9:30 ng gabi sa harap ng Barangay Hall ng Muzon, sa Manila East Road, Brgy. Muzon, Taytay, Rizal.
Ang akusado ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge Evangeline S. Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court Branch 270, Valenzuela City noong September 28, 2021, para sa kasong Rape in relation to R.A. 7610 – Child Abuse Law.
Bandang alas-3:30 ng hapon nang masilo naman ng pinagsamang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela police at RIU NCR NDIT sa joint manhunt operation sa Gen. T. De Leon Road, Brgy., Gen. T. De Leon, ang 28-anyos na lalaking akusado sa statutory rape.
Pinosasan ng mga pulis ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B Altarejos ng Family Court Branch 61, Valenzuela City noong July 8, 2024, para sa kasong Statutory Rape in rel. to Sec. 5(b) of R.A. 7610 as amended by R.A. 11648 (2 counts).
Pansamantalang nakapiit ang dalawang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman. (Richard Mesa)
-
P2-M HALAGA NG MARIJUNA HULI NG QCPD MULA SA DALAWANG TULAK
HULI ng Quezon City police District (QCPD) Station -4 Novaliches ang dalawang lalaki sa isang buy-bust operation sa Barangay Bag-bag Novaliches Q.C. Kinilala nina QCPD Chief B.Gen. Danilo Macerin at Lt.Col Richard Ang, ang mga suspek na sina Daryl Collera, 24 taong gulang at Murray Comot, 29 taong gulang. Narekober mula sa dalawa ang 20 […]
-
Reunion movie nina JOHN LLOYD at BEA, matutuloy sa taong ito
LAST Wednesday, January 27, sa isang virtual conference, ibinahagi ni Direk Olivia Lamasan, Managing director ng ABS-CBN Films, na tuloy na ang reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. “Right now, tuloy pa rin ang creative development under Carmi Raymundo,” ayon kay Direk Olive. “Tuluy-tuloy na ito, at this […]
-
Vietnam sa Oktubre pa magdedesisyon kung tuloy ang paghawak nila ng SEA Games
Mayroong hanggang sa susunod na buwan ang Vietnam para pagdesisyunan kung matutuloy ang pagsasagawa ng 31st Southeast Asian Games. Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Pres. Abraham “Bambol” Tolentino na binigyan ng SEA Games Federation ang Vietnam para pagdesisyunan kung kanila bang itutuloy o kakanselahin ang nasabing torneo. Ito rin […]