• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 wanted persons, nalambat ng Valenzuela police

KALABOSO ang dalawang wanted persons matapos mabitag ng mga operatiba ng Valenzuela police sa magkahiwalay na manhunt operation sa Valenzuela at Navotas Cities.

 

 

Ayon Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Capt. Ronald Sanchez ng manhunt operation in relation to SAFE NCRPO sa F. Bautista St., Corner Cuadra St., Brgy. Ugong na nagresulta sa pagkakaaresto kay Cesarzon De Chavez, 37 ng Brgy. Ugong dakong alas-3:30 ng hapon.

 

 

Si De Chavez na listed bilang most wanted sa lungsod ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Evangeline S. Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court (RTC) Branch 270, Valenzuela City para sa paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), and Section 12 (Possession of Equipment, Instrument, Apparatus and Other Paraphernalia for Dangerous Drugs) of Article II of R.A. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

 

 

Samantala, alas-10:26 naman ng umaga nang matimbog din ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt. Ronald Bautista, kasama ang 5th MFC, RMFB, NCRPO si Jeffrey Reyes, 40 ng 794 Puso St., Brgy. Coloong 1, Valenzuela City sa joint manhunt operation sa Rapide Auto Service Car Repair sa M. Naval Street, Navotas City.

 

 

Si Reyes ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong October 17, 2022 ni Judge Bethany V. Conde-Punzalan ng Metropolitan Trial Court Branch LXIX (69), Pasig City para sa paglabag sa Batas Pambansa Bilang 22.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones ang Valenzuela police sa pamumuno ni Col. Destura dahil sa masigasig na operation nito kontra wanted persons. (Richard Mesa)

Other News
  • Gayahin ang Senado, magpasa ng P100 wage hike bill

    HINAMON ng isang grupo ng mga manggagawa ang Kamarang maghain ng counterpart bill sa panukalang P100 minimum wage hike ng Senado, bagay na lusot na sa ikalawang pagdinig.     Miyerkules lang nang pumasa sa second reading ang Senate Bill 2534, na layong iangat ang arawang minimum na pasahod para sa mga manggagawa’t empleyado sa […]

  • Everyone’s Favorite Feline Returns In “Puss in Boots: The Last Wish’

    THIS holiday season, everyone’s favorite leche-loving, swashbuckling, fear-defying feline returns.     For the first time in more than a decade, DreamWorks Animation presents a new adventure in the Shrek universe as daring outlaw Puss in Boots discovers that his passion for peril and disregard for safety have taken their toll.     A hero […]

  • PBBM, nag-donate ng P80.9M para sa AFP hospital sa Zamboanga City

    TINURN-OVER ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang P80.9-million na halaga ng tseke sa Camp Navarro General Hospital (CNGH) mula sa Office of the President (OP).     Ang P80.9 million donation ng Pangulo ay gagamitin para bumili ng mga gamit para sa operating room ng ospital, diagnostics, ward, physical therapy, at iba pang kagamitan. […]