• October 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 wanted persons, timbog sa Valenzuela

DALAWANG lalaki na listed bilang most wanted persons ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation in relation to SAFE NCRPO sa Valenzuela City.

 

 

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., kumuha ng National Police Clearance si Ralph Joseph Alejandrino, 35 ng Brgy., Balangkas sa Valenzuela City Police Station sa Mc-Arthur Highway, Brgy. Karuhatan subalit, nang i-verify ay nadiskubreng mayroon siyang nakabinbing warrant of arrest.

 

 

Alinsunod aniya sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, isinilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista, kasama ang 5th MFC, RMFB, NCRPO isang warrant of arrest na nagresulta sa pagkakaaresto kay Alejandrino alas-11:30 ng umaga.

 

 

Ani PLt Bautista, si Alejandrino ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Paulino Quitoras Gallegos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 47, Manila City para sa paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 as amended by R.A. 8424 (6 counts).

 

 

Dakong alas-2:30 naman ng hapon nang maaresto din ng kabilang team ng WSS at ang mga tauhan ng 5th MFC, RMFB, NCRPO sa manhunt operation sa A. Pablo St., Barangay Karuhatan ang isa pang most wanted na kinilala bilang si Farjohn Paterno, 23 ng Brgy. Ugong.

 

 

Si Paterno ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Oven Kuan Ontalan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 285, Valenzuela City para sa paglabag sa Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drugs) of Art. II of R.A. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela police sa pamumuno ni Col. Destura dahil sa masigasig na kampanya nito kontra wanted persons. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Last year pa dapat, naudlot lang: MATTEO, tuloy na tuloy na ang pagiging Kapuso

    #VoltesVLegacyTVPremiere landed at number 1 on the trending lists of Philippine Twitter as fans showered praises on the series during the pilot episode last Monday, May 8.       Nakapagtala ito ng combine ratings na 14.6%, na sabay-sabay pinalabas sa GMA, GTV, I Heart Movies at Pinoy  Hits.     Kaya nagpasalamat ang writer ng […]

  • Coo masigla pa rin kahit nagkakaedad

    IBINAHAGI nina world-renowned Pinay tenpin bowler Olivia ‘Bong’ Coo Garcia at Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion-Norton ang mga karanasan sa katatapos na Philippine Sports Commission’s (PSC) women empowerment web series Rise Up! Shape Up.        Pinamagatan ang ikawalong episode ng dalawang buwan ng serye na “Aging Gracefully: Embracing Life’s Golden […]

  • Target sa vaccination drive, ibinaba sa 9 milyon

    Ibinaba sa 9 na milyon ang target na mabakuna­han sa National Vaccination Days dahil sa kakulangan sa gamit partikular ng gagamiting karayom.     Nauna rito, itinakda sa 15 milyon ang target na mabakunahan sa tatlong araw na National Vaccination Days na magsisimula sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.     Nagkaroon ng pagbabago sa […]