Coo masigla pa rin kahit nagkakaedad
- Published on January 8, 2021
- by @peoplesbalita
IBINAHAGI nina world-renowned Pinay tenpin bowler Olivia ‘Bong’ Coo Garcia at Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion-Norton ang mga karanasan sa katatapos na Philippine Sports Commission’s (PSC) women empowerment web series Rise Up! Shape Up.
Pinamagatan ang ikawalong episode ng dalawang buwan ng serye na “Aging Gracefully: Embracing Life’s Golden Years,” at nakatuon sa dalawang kinukunsiderang “accomplished women’s healthcare” pati sa best lifestyle practices sa kanilang mga taon.
Ikinagalak ni PSC Chairman William Ramirez ang pagdalo ng dalawang opisyal ng sports kung saan giniit niya ang importansiya ng mga kilalang sports figure sa pagiging malulusog, maliliksi at aktibo pa rin pa rin sa kanilang pamumuhay.
“These powerful and decorated women in the sports scene make us proud of their achievements and inspire us to prioritize our health proving that age is just a number,” wika ni Ramirez.
Nangangasiwa sa programa si PSC-Women in Sports Oversight Commissioner Fatima Celia Kiram. Secretary general ng Philippine Bowling Federation (PBF) si Coo, habang pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines 9GAP) si Carrion.(REC)
-
Aminadong gumaan ang pakiramdam: POKWANG, masaya na lilisanin na ng dating asawa na si LEE ang ‘Pinas
MASAYANG ikinuwento ng Kapuso aktres at komedyanang si Pokwang na tuloy na tuloy na raw na lilisanin na ng dating asawang si Lee 0’ Brian. Sey pa ni Ms. P. na sa wakas daw ay lalayasin na ng ama ng anak niya ang bansang Pilipinas. “Well, at least gumaan ang loob ko at I’m so […]
-
MAX, tiyak na makaka-relate sa bagong teleserye sa pinagdaraanan nila ni PANCHO
SA Bataan ang lock-in taping ng bagong sinisimulang serye ng GMA-7, ang To Have and To Hold. Nakakausap namin ang isa sa mga bida ng serye na si Max Collins at ayon dito, mga hanggang third week of June pa pala sila naka-lock-in. Dahil sobrang higpit ng safety protocols, gusto sana […]
-
Pinay fencer Maxine Esteban maglalaro para sa World Cup
LUMIPAD na ang isa sa nangungunang Pilipinong babaeng fencer sa bansa na si Maxine Esteban para ipagpatuloy ang kanyang kampanya sa ninanais na pagtuntong sa 2024 Paris Olympics. “Off to Italy to prepare for my first post injury World Cup! Praying for a safe trip and a great performance!,” post ni Estaban bago umalis […]