• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 years after: Ekonomiya ng PH, masigla na uli – DTI Sec. Lopez

BUMALIK  na uli ang sigla ng ekonomiya ng Pilipinas makalipas ang dalawang taon na nasa ilalim ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) pandemic ang bansa.

 

 

Ayon kay Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez, dahil sa pagluwag sa alert level status sa mga nakalipas na buwan ay nakakabalik na sa “pre-pandemic volume” ang dami ng tao sa mga pamilihan nitong weekend lamang.

 

 

Ganito na rin aniya ang sitwasyon talaga magmula nang nagbaba ng alert level sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

 

Sa kabila nito at dahil pa rin sa banta ng COVID-19 pandemic, nakikita ni Lopez na posibleng hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte tatagal ang Alert Level 1 sa bansa.

 

 

Ipinapaalala lamang ng kalihim na kahit maluwag na ang galaw ng publiko sa kasalukuyan, kailangan pa rin ng vaccination card sa tuwing papasok sa mga indoor establishment.

Other News
  • Pinoy imports sa Japan pro league, ‘excited’ na sa All-Star game ng B.League sa Jan. 14

    Pormal nang inanunsiyo ngayon ng B.League sa bansang Japan ang mga lalahok sa All-Star Festivities sa Okinawa, Japan sa Enero ng susunod na taon.     Kabilang sa tampok sa All-star game ang nakatakdang paglalaro ng kasalukuyang walong mga Pinoy basketball players bilang bahagi ng Asian imports sa Japan’s professional league.     Haharapin ng […]

  • RURU, nag-decide na mag-focus muna sa ibang mga bagay dahil matagal ding nahinto ang lock-in taping

    MAGBABALIK na simula ngayon (January 17), ang highly-anticipated drama na sinubaybayan last year, ang Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.     Pangungunahan pa rin ng tatlong Donnas, si Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan) at Donna Lyn (Sofia Pablo), as the heiresses of the Claveria family.     Kaabang-abang ang mga pagbabago […]

  • Presidenstial aspirant Yorme Isko Moreno, suportado ng Cebuanos

    LIBO-libong supporters ang sumalubong kay Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Cebu sa kanyang pagbisita sa nasabing lalawigan bilang bahagi ng kanyang “listening tour” na nakatutok sa mga pangkaraniwang tao. Hindi magiging ganap ang pagdalaw ng alkalde sa Cebu kung hindi matitikman ang malutong at masarap na Cebu lechon.     […]