20 BAGONG PATROL CAR, BIGAY NI ISKO SA MPD
- Published on June 25, 2020
- by @peoplesbalita
IPINAGKALOOB kahapon ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Manila Police District(MPD),ang 20 bagong patrol car para magamit sa pagbibigay ng serbisyo publiko.
Ang mga bagong patrol cars na binubuo ng 20 Toyota Vios ay kaloob ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa isang turn over ceremony sa Kartilya ng Katipunan, Bonifacio Shrine.
Malugod naman na tinanggap ng alkalde kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, MPD chief Rolando Miranda at National Capital Region Police Office (NCRPO) Debold Sinas.
Sinabi ni Moreno na sa pamamagitan ng mga bagong sasakyan ay mag-i-improve ang police visibility at magiging mas mabilis ang aksyon sa kriminalidad sa lungsod.
Ipamamahagi sa 11 police stations ang mga bagong mobile car.
Bukod sa 20 Toyota Vios units,sinabi ni Moreno na tatanggap din ang MPD ng anim na tactical vehicles para sa Special Weapons and Tactics (SWAT) mula pa rin sa FFCCCII.
Ang mga opisyal ng FFCCCII na nakibahagi sa ginanap na turnover ceremony ay sina Dr. Henry Lim Bon Liong, vice presidents Dr. Cecile De Pedro at Victor Lim, honorary president Robin Sy, secretary general Dr. Fernando Gan at board member Nelson Guevarra. (GENE ADSUARA)
-
Pagsasanib ng Landbank at DBP aprubado na kay PBBM
APRUBADO kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang pagsasanib ng Land Bank of the Philippines at ng Development Bank of the Philippines (DBP). Ito’y sa harap ng nakikita ng pamahalaan na kailangang magtipid. Base sa assessment ng gobyerno ay aabot sa P5. 3 bilyong piso sa unang taon ang maisusubi at aabot […]
-
Top Radio Anchors sa Bansa, Tampok sa mga Bagong Programa ng Radyo5
NGAYONG 2023, kasabay sa pagsalubong ng Chinese New Year, maririnig na ang tunay na tunog ng serbisyo publiko sa mga bagong programa ng Radyo5 92.3 FM na kaakibat ng bagong tagline ng istasyon: “Ito na ang totoong tunog ng Serbisyo Publiko!” Nangunguna sa listahan ng mga bagong handog ng Radyo5 ang radio program ng go-to […]
-
Anak ni Pacquiao nagpakita ng talino
NILADLAD ng ng anak ni eight-division world boxing champion, Sen. Emmanuel Pacquiao na si Michael Pacquiao nang tamang masagot ang pito sa Walong tanong upang mapremyuhan ng P45K sa Eat Bulaga Bawal Judgmental TV noontime show nitong Miyerkoles, Disyembre 2. Umiskor ang Ingleserong bata na ipinakilalang rapper art artist ng 3-of-4 sa opening stanza […]