Tennis star Kei Nishikori, umatras sa US Open tune-up matapos dapuan ng COVID-19
- Published on August 17, 2020
- by @peoplesbalita
Inanunsyo ni Japanese tennis star Kei Nishikori na umurong na ito sa lalahukan sanang tune-up tournament sa New York makaraang magpositibo sa COVID-19.
Ito’y dalawang linggo bago magsimula ang US Open sa Agosto 31.
Ayon sa dating world No. 4, nananatili ito ngayon sa IMG Academy sa Bradenton, Florida, at hindi na rin ito sasali sa Western & Southern Open na isang tune-up tournament bago ang Grand Slam.
“This morning while still in Florida, I got tested for COVID-19 and tested positive,” saad sa pahayag ni Nishikori. “I will have to pull out of the Cincinnati tournament at this time.
“We were planning to fly to New York tomorrow but will obviously now stay in Florida.”
Dagdag ni Nishikori, mayroon lamang daw itong “very little symptoms” pero nakatakda itong sumailalim sa self-isolation.
Ilang mga manlalaro na rin ang umatras sa US Open ngayong taon dahil sa pangambang kapitan ng coronavirus na dumapo na sa mahigit 5.3-milyong katao sa Estados Unidos.
-
KIM, posibleng makalaban ni SHARON sa pagka-Best Actress sa next awards season ayon sa netizens
ANG Halloween presentation ng Reality Multi Media Studios at Viva Films na Sa Haba ng Gabi ang pangatlong pelikula nina Jerald Napoles at Kim Molina para sa 2021. Ibang-iba nga ito sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam at Ikaw at Ako at ang Ending. Ang multi-awarded director na si Erik Matti ang producer at si Miko Livelo […]
-
Pinas nakapagtala ng 2 milyon international arrivals – DOT
NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng kabuuang 2,002,304 dayuhang turista mula Enero 1 hanggang Mayo 12, 2023 na higit pa sa target na 1.7 milyon noong nakaraang taon, ayon sa Department of Tourism (DOT). “Notwithstanding our challenges and difficulties that our country has faced, a pandemic and the various calamities that come into our shores […]
-
Ads May 4, 2022