20 barangay chairmen kinasuhan na dahil sa paglabag sa COVID protocols – DILG
- Published on June 22, 2020
- by @peoplesbalita
Inaasahan na maraming mga barangay opisyal at mga namumuno sa iba’t-ibang mga siyudad at munisipalidad ang sasampahan ng reklamo Department of Interior and Local Government (DILG).
Kasunod ito sa pagrekomenda ni DILG Secretary Eduardo Año sa Office of the Ombudsman na sampahan ng kaso ang nasa 20 barangay opisyal ng Metro Manila.
Sinabi ng kalihim na hindi nila palalagpasin ang mga reklamo laban sa mga opisyal ng barangay.
Kinabibilangan ang mga ito ng 20 punong barangays kung saan lima rito ay mula sa Caloocan City, lima sa Quezon City, dalawa sa Paranaque City, at tig-iisa sa Mandaluyong City, Las Pinas, Manila City, Makati, Pasay City, Taguig City, Marikina City at Muntinlupa City.
Mismong si DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang sumulat kay Ombudsman Samuel Martires.
Ilan sa mga kasong kinasasangkutan ng mga ito ay ang paglabag sa implementasyon ng physical distancing, pagsasagawa ng sabong, pagsusugal, mahinang implementasyon ng lockdown protocols at negligence of duty at iba pa.
Inilapit naman na nila sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group para sa pagsampa ng kaso sa mga anomalya na may kinalaman sa Social Amelioration Program. (Daris Jose)
-
Ads April 13, 2021
-
ANGEL, pinaliwanag na ‘di ganun kadali ang pinagdaraanang journey para pumayat; looking forward sa kanyang maa-achieve
MAY mahabang paliwanag si Angel Locsin tungkol sa huling post na nag-viral dahil sa mga photos na ibinahagi na parang bigla-bigla siyang pumayat. Nagtalo-talo tuloy ang netizens, kung edited ba ang kanyang pinost at may nagsabi na nasa tamang anggulo lang ‘yun. Pero totoo naman na malaki na talaga ang ipinayat […]
-
3 illegal na nangingisda sa Navotas, timbog sa Maritime police
ARESTADO ang tatlong kalalakihan matapos maaktuhang illegal na nangingisda sa karagatan na sakop ng Navotas City, kaugnay sa All Hands Full Ahead na ikinasa ng mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station/Maritime Law Enforcement Team MLET BASECO. Ayon sa inisyal na report, nagsagawa ng Seaborne Patrol Operation ang mga tauhan ng MLET […]