• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

20 BENEPISYARYO NG GIP, TINANGGAP SA NAVOTAS

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Toby Tiangco ang nasa 20 benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) na nagsimula na sa kanilang trabaho kahapon, June 15 sa Navotas City Hall.

 

 

“In government service, we are here not just to do our job. We are here to help ease the burden of the people we serve. Let us give the best service we could offer our fellow Navoteños,” ani Mayor Tiangco.

 

 

Hinimok din ni Tiangco ang mga GIP na magrehistro at lumahok sa COVID-19 vaccination program.

 

 

Nakatanggap ang Navotas nitong Miyerkules ng karagdagang 1,600 vials ng CoronaVac, na magagamit para sa una at pangalawang doses ng A1 hanggang A4 priority groups.

 

 

Naglaaan ang pamahalaang lungsod ng P1.4 milyon mula sa Gender and Development fund para sa internship program.

 

 

Kasama sa mga benepisyaryo ng GIP ang dalawang miyembro ng LGBT community at pitong solo parents kung saan magtatrabaho sila para sa pamahalaang lungsod ng anim na buwan at tatanggap ng P537 araw-araw na sahod. (Richard Mesa)

Other News
  • World champ na Japanese boxer positibo sa COVID-19

    NALUNGKOT ang kampo ni Japanese WBA light flyweight super champion Hiroto Kyoguchi matapos itong makumpirmang nagpositibo sa coronavirus isang araw bago ang nakatakdang laban nito.   Sasagupain sana ni Kyoguchi si Thanongsak Simsri ng Thailand sa Osaka, Japan pero tuluyan nang kinansela ang laban dahil sa pagpositibo ng Japanese boxer sa nakamamatay na coronavirus.   […]

  • Crossovers swak sa finals

    Walang preno ang Chery Tiggo nang saga­saan nito ang Choco Mucho sa pamamagitan ng 25-16, 26-24, 25-23 demolisyon para umabante sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.     Nagsilbing driver si outside hitter Dindin Santiago-Manabat na siyang nasandalan ng Crossovers sa mga […]

  • Target na pamamahagi ng land titles para sa taong 2023, maaaring sumobra

    MAAARING sumobra sa target na pigura ng pamahalaan ang ipamamahaging land titles para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).     Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ito ang “best christmas gift” ng pamahalaan sa mga ARBs.     Pinangunahan kasi ni Pangulong Marcos  ang  distribusyon ng  2,779 land titles sa 2,143  ARBs, mayroong […]