20 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog sa Taguig
- Published on February 19, 2020
- by @peoplesbalita
Aabot sa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumama sa isang residential area sa Taguig City kahapon, Martes.
Pasado alas-7:30 ng umaga nang sumiklab umano ang sunog sa may Lawton Avenue sa Barangay Fort Bonifacio, kung saan natupok ang 10 bahay at nag-iwan ng P150,000 halaga ng pinsala sa ari-arian, ayon sa Taguig City Fire Station.
Halos isang oras ang inabot bago tuluyang naapula ang apoy.
Nagmula ang sunog sa bahay ng isang George Peling at hinihinalang may kinalaman sa kuryente ang sanhi nito, ayon kay Fire Senior Insp. Demetrio Sablan Jr. ng Taguig City Fire Station.
-
2 babae na miyembro ng ‘Anakbayan’ sumuko sa Valenzuela police
KUSANG loob na sumuko sa pulisya at nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang babaing miyembro ng makakaliwang grupong ‘Anakbayan’ sa Valenzuela City. “Pinangakuan po kami ng pabahay at financial, pero wala naman pong natupad. Puyat, pagod, at gutom lang po ang nakuha namin,” magkasabay na pahayag nina alyas “Anie”, 23, at alyas “Reylin”, 25, […]
-
Rebulto ni Wade ng Miami Heat umani ng mga reaksyon
UMANI ng magkakahalong reaksyon mula sa basketball fans ang ginawang rebolto para kay NBA star Dwayne Wade. Sa isang ginawang pagkilala sa Miami Heat star ay ipinakita dito ang kaniyang rebolto sa labas ng Kaseya Center. Siya lamang ang unang manlalaro sa franchise ng Heat na nabigyan ng sariling rebolto. […]
-
Umaming nagtampo kay Boy kaya nag-apologize ang TV host: BEA, ‘di na maaatim na makipagkaibigan pa kay GERALD tulad kay ZANJOE
HINDI nga maaatim pa ng Kapuso actress na si Bea Alonzo na makipagkaibigan sa dati niyang boyfriend na si Gerald Anderson na nag-ghosting sa kanya. Sa naging panayam kay Bea ng King of Talk para sa newest Kapuso show na “Fast Talk With Boy Abunda” last Thursday, January 26, nabanggit nga ni Kuya […]