• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 19th, 2020

Pagkakasama ni Espenido sa drug list, walang epekto sa anti-drug war – Palasyo

Posted on: February 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

WALANG epekto sa anti-drug war ng administrasyon ang pagkakasama ni P/Col. Jovie Espenido sa narco-cops list ng PNP.

 

Matatandaang si Espenido ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anti-drug war matapos manguna sa mga operasyon laban sa mga sinasabing drug lords at protectors. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, alam naman ng mga pulis ang kanilang trabaho at kilala naman nila ang kanilang mga kabarong tunay na sangkot sa iligal na drogal.

 

Ayon kay Sec. Panelo, hindi malayong pinag-iinitan lamang si Espenido ng mga nasagasaan sa anti-drug war.
Kaya posibleng biktima ng black propaganda si Espenido bagay na hindi kinakagat ni Pangulong Duterte. (Daris Jose)

Amsali, Sanchez, Ynot dagdag pangil ng Beda

Posted on: February 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MABANGIS pa rin ang San Beda University Red Lions sa darating na National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 96 men’s basketball tournament dahil may malulupit na bagong tatlong bagitong manlalaro.

 

Sinigurado na ng SBU na maisasalang sina Rhayyan Amsali, big man Justine Sanchez at ang defensive player Tony Ynot na itinaas na sa senior team mula sa juniors.

 

Ayon kay team manager Jude Roque, kuntento ang Beda sa naging desisyon ng tatlo dahil sila ang mga kapalit sa mga nawalang key player sa nakaraang taon.

 

“They will surely add more depth to our team, which as you all know lost key players from last season,” salamysay ni Roque sa pitak na ito.

 

“They will also add championship experience to our young roster, having won the NCAA Juniors title last year,” panapos niyang pahayag.

 

Nasa magaan pang preparasyon ang Mendiola-based squad para sa nakatakdang magsimulang NCAA seniors hoops sa darating na Agosto 1.

 

Pinangunahan nina Amsali, Sanchez at Ynot ang SBU Red Cubs upang talunin sakmalin ang Lyceum of the Philippine University-Cavite sa finals at kopoin ang titulo sa juniors division sa nagdaan taon.

 

May taas na 6-foot-3, nag average si Amsali ng 16.6 points, 9.0 rebounds, 4.1 rebounds at 1.6 steals para sa San Beda jrs.

 

Sige abangan natin kung may angas pa ang koponan.

Ads February 19, 2020

Posted on: February 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ex-Taguig Mayoral at Congressional bet, nahaharap sa kaso

Posted on: February 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAMPA ng kasong sedition o panggugulo ang isang grupo sa magkapatid na Arnel at Allan Cerefica, pawang mga talunang kandidato sa pagka-Mayor at Congressman noon 2019 midterm election.

 

Bukod sa kasong sedition, iba pang mga kasong kriminal kagaya ng inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder, at violation of BP No. 880 ang isinampa laban sa magkapatid ng mga miyembro ng Jeepney Operators and Drivers Association (JODA) at Taguig taxpayer sa Taguig City Prosecutor’s Office kaugnay sa serye ng “illegal assemblies and public and tumultuous uprisings” na naganap noong May 14 at 23, 2019.

 

Ang mga umano’y illegal assembly ay nangyari matapos lumabas ang resulta ng eleksyon kung saan nanguna sina dating Senator Alan Peter Cayetano at Congressman and filmaker Lino Cayetano ng malaking puntos kontra sa Cerafica brothers.

 

Parehong mga kaso rin ang isinampa laban kay Andre Polo alias Dre Guez Polo, Gloria Polo, Maria Luisa Roja, Oliver Dinco, Atty. Glenn Chong, Theresa Estanislao Reyes, Jheny Perey Orellana, Karen Mercado, Yolly Lacsaron, Daniel Galmarin, Baby Celso, alias Annie Marie, alias Ma. Fatima, alias Florinda at ilan pang mga John at Jane Does.

 

Sa pagsampa ng kaso, sinabi ng mga complainant na ang magkapatid na Cerafica at ang kanilang grupo ay iligal na pinagbawalan ang Taguig City officials na gampanan ang kanilang mga trabaho nang magkaroon ng iligal na pagtitipon sa mismong kahabaan ng Pedro Cayetano Boulevard, na isang public road, noong Mayo 14. Pawang walang permit ang mga naturang pagtitipon na ikinainis ng mga na-stranded na residente.

 

Ayon pa sa reklamong isinampa, ang Cerafica brothers ay nagtawag umano ng pagkilos upang ipakita ang galit o “infliction of acts of hate” sa mga public officers, at meron pang mga binitawang mga libelous na salita laban sa gobyerno dahil umano sa dayaan sa 2019 elections.

 

“The tumultuous nature of the illegal assemblies is readily apparent from the use of loud speakers, blaring of music, honking of horns and loud shouts of respondents John and Jane Does,” ayon sa isang complainant.

 

“Respondents have committed a series of actual overt acts showing a concerted and systematic criminal design and purpose to perpetrate the crimes charged…,” dagdag pa sa reklamo.

 

“We understand that where the acts collectively and individually demonstrate the existence of a common design towards the accomplishment of the same unlawful purpose, conspiracy is evident and all the perpetrators will be liable as principals,” saad pa sa kasong isinampa. (Gene Adsuara)

TALAMAK NG DROGA, PUGAD SA PROSTI

Posted on: February 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SA bansang may sariling gobyerno at sinusunod na batas, lahat ay pantay-pantay.

 

Hindi sinusukat ang yaman o posisyon sa lipunan. Higit sa lahat, walang kinikilalang lahi, basta nakatapak sa teritoryo, obligadong sumunod sa batas at kung may nilabag man ay dapat managot.

 

Ang tanong, ito ba talaga ang nangyayari? ‘Yung mga bawal, bawal ba talaga? Silang mga pasaway, naparurusahan nga ba?

 

Bukod sa iligal na droga, isa sa mga pangunahin at paulit-ulit na problema ngayon ng bansa ay ang prostitusyon. Nadadalas ang pagkakatuklas sa mga hotel, bar pati SPA na ginagamit bilang sex den — at karamihan sa mga sangkot, ibang lahi, partikular ang mga Chinese.

 

Bagay na iniuugnay naman sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa dahil sila umano ang sinasabing parukyano ng mga ibinubugaw na sex workers.

 

Sa isyung ito, nabuking din ang tila espesyal na trato sa mga dayuhan kapalit umano ng pera. Sinasabing hiwalay na ipinoproseso ng Immigration officials sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pagpasok ng mga Chinese — kabilang ang mga POGO worker.

 

Ito ba ang tamang proseso? Dumaraan ba sa legal ang pagpasok ng mga dayuhan? Hindi maitatangging sa ganitong senaryo nakalulusot ang human trafficking. Isa na sa kinahahantungan ay ang pagdagsa ng mga sex worker at paglaganap ng prostitusyon.

 

Kailangan nang kumilos ng pamahalan na ang mga kalaban ay nasa loob din ng gobyerno.

 

Halos wala itong ipinagkaiba sa ilegal na droga, ‘pag may “padulas”, walang kahirap-hirap na nakapapasok at winawasak ang ating bayan.

Tuloy ang imbestigasyon ng Senado sa ABS-CBN

Posted on: February 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ITUTULOY pa rin ng Senado ang planong pag-imbestiga sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation sa kabila ng paghahain ng gag order motion ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema.

 

“A motion for a gag order is what it is. Just a motion. The Supreme Court will still have to decide on it under existing laws and all the cases it has decided before recognizing the jurisdiction of its co-equal branch,” sabi ni Senator Grace Poe, chair ng Senate public services committee.

 

“Whether it will apply the gag order on our hearings is up to the Court to decide but our hearing will push through according to our Constitutional mandate,” dagdag pa nito.

 

Inihalimbawa ni Poe ang pagbasura ng Korte Suprema sa kahalintulad na ‘motion for a gag order’ sa co-equal branch – ang Executive branch – sa Disbursement Acceleration Program (DAP) cases noong 2013.

 

Ang tinutukoy nito ay ang desisyon ng Korte Suprema na binasura ang manifestation na inihain ni dating Iloilo Rep. Augusto Syjuco Jr. na humiling na ipahinto sina Pangulong Benigno Aquino III at mga alter-ego nito mula sa pagdepensa ng stimulus program habang nakabinbin pa ang petisyon.

 

Ginawa ni Poe ang pahayag matapos hilingin ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema na mag-isyu ng gag order na pumipigil sa ABS-CBN na pag-usapan ang quo warranto petition na nauna niyang inihain sa korte para ipawalang-bisa ang prangkisa ng nasabing network.

 

“Tuloy ang pagdinig natin base sa mandatong ibinigay sa atin ng Konstitusyon. Korte Suprema na ang bahalang magpasya sa kanilang mosyon sang-ayon sa umiiral na batas at naunang pagpapasya kung saan kinilala nito ang hurisdiksiyon ng kapantay na sangay ng pamahalaan,” sabi ni Poe.

20 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog sa Taguig

Posted on: February 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Aabot sa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumama sa isang residential area sa Taguig City kahapon, Martes.

 

Pasado alas-7:30 ng umaga nang sumiklab umano ang sunog sa may Lawton Avenue sa Barangay Fort Bonifacio, kung saan natupok ang 10 bahay at nag-iwan ng P150,000 halaga ng pinsala sa ari-arian, ayon sa Taguig City Fire Station.

 

Halos isang oras ang inabot bago tuluyang naapula ang apoy.

 

Nagmula ang sunog sa bahay ng isang George Peling at hinihinalang may kinalaman sa kuryente ang sanhi nito, ayon kay Fire Senior Insp. Demetrio Sablan Jr. ng Taguig City Fire Station.

Travel ban sa Macau at HK, ‘partially lifted’ na

Posted on: February 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na partially lifted na ang travel ban ng pamahalaan sa Macau at Hong Kong.

 

Ito ang inanunsyo ni Sec. Panelo sa matapos makausap si Health Sec. Francisco Duque III.

 

Ayon kay Panelo, nagdesisyon ang Inter-agency Task Force na magpatupad na ng partial lifting matapos ang isinagawang pagpupulong kung saan tinalakay ang lifting ng ban.

 

Sa mga OFW na babalik na sa kanilang trabaho, kailangang magkaroon lamang ng mga ito ng written declaration na alam nila ang risk ng kanilang pagbalik doon.

 

Sa mga Pinoy at pamilya ng mga ito na nasa Macau at Hong Kong gayundin ang mga miyembro ng diplomatic corps na nais umuwi sa Pilipinas ay papayagan ding makabalk sa bansa.

 

Sinabi ng kalihim na nagdesisyon ang pamahalaan sa partial lifting ng ban dahil na rin sa panawagan ng marami nating kababayan lalo na ng mga apektadong OFWs. Daris Jose

SolGen, naghain ng gag order sa SC vs ABS-CBN

Posted on: February 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hiniling kahapon, Pebrero 18 ng Office of the Solicitor General (OSG) Supreme Court na mag-isyu ng gag order para pigilan ang sino mang partido o personalidad mula sa ABS-CBN na maglabas ng kanilang statement o talakayin ang quo warranto petition kaugnay ng franchise case ng TV network.

 

Depensa ni Solicitor General Jose Calida, ang aksiyon daw ng ABS-CBN ay paglabag sa sub-judice rule.
Nag-ugat ang very urgent motion ni Calida sa isang video na may title na ‘Quo warranto petition laban sa ABS-CBN, ano ang ibig sabihin?’ na inilabas noong Pebrero 14.

 

Sinabi ni Calida na ang naturang video ay direktang tumatalakay sa mga alegasyon kontra sa quo warranto petition.
Ang mga statements sa video na mula sa reporter ng network na si Christian Esguerra ay sigurado umanong makakaimpluwensiya sa public opinion at magkakaroon ng pre-judgment sa kaso.

 

Binanggit din ng OSG ang serye ng commentaries na naka-post sa ABS-CBN online na posible ring makaimpluwensiya sa Supreme Court (SC).

 

Isinama rin ng OSG ang posts ng ABS-CBN artists at iba pang personalidad dahil daw sa pagbibigay ng kanilang “unsolicited opinions” sa quo warranto petition.

 

SC pinagkokomento ang ABS-CBN sa gag order hiningan ng komento ng Supreme Court (SC) ang ABS-CBN kaugnay ng inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) na urgent motion to issue gag order para pigilan ang sino mang partido o personalidad mula sa ABS-CBN na maglabas ng kanilang statement o talakayin ang ng quo warranto petition kaugnay ng franchise case ng TV network.

 

Ayon kay SC Spokesman Brian Hosaka, matapos ihain kanina ang hirit ni Calida ay agad itong isinalang sa en banc session.

 

Aniya, binigyan ng SC ang ABS-CBN ng limang araw na palugit para magkomento sa urgent motion sa oras na natanggap na nila ang notice.

 

SUPORTADO ng Malakanyang ang ginawa paghiling ng Office of Solicitor General ng Gag Order sa Supreme Court kaugnay sa isyu ng ABS-CBN franchise.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo na tama lamang ang naging hakbang ng SolGen dahil nagiging emosyonal na umano ang naturang isyu.

 

Binigyan diin ni Panelo na ginagawa lamang ni Calida ang trabaho nito bilang Solicitor General.

 

Iginiit ng kalihim na ngayong pending na sa Korte Suprema ang usapin ng prangkisa ng ABS-CBN marapat lamang na iwasan na ang pagkwestiyon at pagtalakay sa merito ng kaso ng magkabilang kampo.

 

Batay sa very urgent motion na isinumete sa Kataas-taasang Hukuman,hiniling ni SolGen Calida na maglabas ng Gag order ang Supreme Court na nagbabawal sa mga kumakatawan sa magkabilang partido na maglabas ng anumang statement na tumatalakay sa isyu.

 

Binabanggit din ng OSG ang mga posts sa social media ng mga artista ng ABS-CBN na kumu-kuwestiyon sa quo warranto petition na inihain laban sa media firm noong nakaraang linggo.

Drugstores, pharmacies at hospitals, kailangang maglagay ng maximum retail price sa mga gamot – DoH

Posted on: February 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Aabot umano sa pitong milyong Pinoy ang makikinabang sa bagong pirmang Executive Order (EO) No. 104 kaugnay ng Maximum Drug Retail Price (MDRP) sa mga gamot.

 

Sa EO na kapipirma ni Pangulong Rodrigo Duterte, mababawasan ng halos 58 percent ang retail prices ng nasa 87 high cost medicines.

 

Dahil dito, agad daw mag-iisyu ng Administrative Order ang Department of Health (DoH) para siguruhing maipatutupad ng maayos ang EO sa MDRP.

 

Ang retail ay kailangan na ring ipatupad sa public at private drug retail outlets kasama na ang chain at independent drugstores, hospital pharmacies, health maintenance organizations at iba pang outlets sa loob ng 90 days.

 

Kasabay nito, isasagawa na rin ng DoH ang dissemination sa implementing guidelines sa mga stakeholders.

 

Ang mga lalabag sa price caps ay mahaharap daw sa kasong paglabag sa Cheaper Medicines Act at iba pang batas na lalabag sa panuntunan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Food and Drugs Administration (FDA).

 

“We are grateful for the support and genuine care of our President in looking out for the health of our people. This will propel us toward Universal Health Care which will broaden our agenda to make comfortable lives for all Filipinos,” ani Health Secretary Francisco Duque III.