• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

20 Pinay, nailigtas mula ‘surrogacy scheme’ sa Cambodia – Embahada

NAILIGTAS ng Cambodian National Police noong huling bahagi ng Setyembre ang 20 Filipina na dinala sa Cambodia para sa surrogacy scheme.

 

Ang ‘surrogacy’ ay isang sayentipikong pagpupunla ng mga cell ng dalawang magulang na hindi na kayang magkaanak sa ibang babaeng pwedeng manganak

 

Sinabi ng Philippine Embassy sa Cambodia na naligtas ng Cambodian National Police ang mga 20 kababaihang Filipino noong Setyembre 23 sa Kandal Province sa timog-silangang bahagi ng Cambodia.

 

Sa 20 kababaihan, 13 ang nasa iba’t ibang yugto ng kanilang pagbubuntis at nakatira sa isang lokal na ospital habang ang 7 naman ay naghihintay na makabalik ng bansa.

 

Sinasabing ang pagsagip sa mga naturang Filipina na ipinadala sa Cambodia para maging ‘surrogate mothers’ ay alinsunod sa anti-human trafficking at sexual exploitation law ng bansa.

 

Sinabi pa ng Embahada na ang mga kababaihan ay binigyan ng tamang suporta at binisita ng Embassy officials para sa tulong kabilang na ang personal at pre-natal needs.

 

Sa naging panayam sa 20 kababaihan, sila ay ni-recruit sa online. Ang kanilang recruiter, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin madetermina ang pagkakakilanlan at nasyonalidad, ang nag-ayos para sa kanilang pagbiyahe sa iba’t ibang Southeast Asian country, bago pa pinadala sa Cambodia, kung saan ang ‘surrogacy’ ay ipinagbabawal.

 

Tinitingnan din ng Embahada ang pagkaka-ugnay ng ibang nasyonalidad sa krimen, may ilan kasi ang nasa pangangalaga ng local “nanny”, kasama ang apat na iba mula sa kalapit-bansa noong sila ay ligtas ng mga awtoridad.

 

“The Embassy continues to closely coordinate with the Cambodian authorities for the speedy resolution of this case, with a view to protecting the rights and welfare of the Filipino women,”ang sinabi ng Embahada. (Daris Jose)

Other News
  • Kabilang ang prestigious na Artist of the Year: TAYLOR SWIFT, naghakot na naman ng top awards sa ‘2022 American Music Award’

    HINAKOT ni Taylor Swift ang mga top awards sa nakaraang 2022 American Music Award na ginanap sa Microsoft Theater in Los Angeles noong nakaraang November 20.   Anim na awards ang napanalunan ni Taylor, kabilang na ang prestigious na Artist of the Year.   Napanalunan ni Taylor ang Favorite female pop artist, Favorite pop album, […]

  • PAGBABAKLAS NG ILEGAL CAMPAIGN MATERIALS TULOY SA PAMPUBLIKONG LUGAR

    MAGPAPATULOY lamang sa pampublikong lugar ang pagbaklas ng iligal na campaign materials o ang “Oplan Baklas” ng  Commission on Elections (Comelec).     Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez ,ang sinuspinde lamang ng Korte Suprema ay ang pagbaklas sa mga campaign materials sa pribadong pag-aari kasunod ng inilabas na temporary restraining order (TRO)     […]

  • Paniniwala ni Sec. Concepcion, puwede nang hindi magpatupad ng Alert Level system pagdating ng Marso o Abril

    NANINIWALA si Presidential Adviser on Entrepenurship Joey Concepcion na makakaya na ng gobyerno na hindi na magpatupad pa ng alert level system pagsapit ng Marso o Abril.     Sinabi ni Concepcion na nasanay na kasi aniya ang mga tao sa mga ipinatutupad na health safety protocol sa nakalipas na 22 buwan.     Sa […]