20 PNP quarantine control points itinalaga sa mga boundaries ng NCR-Plus Bubble
- Published on March 23, 2021
- by @peoplesbalita
Naglabas na ng listahan ang Philippine National Police (PNP) ng mga lugar na nilagyan nila ng quarantine control points.
Ito’y makaraang isailalim sa bubble general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite,Laguna at Rizal dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID 19.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana dalawang checkpoints Ingress at egress ibig sabihin dalawang border control point.
” Yung boundaries ng NCR plus doon sa strategic areas kung san doon yung boundary po ilo-locate yung checkpoint. Now outside the boundary meron din po yung border control kung sino po yung papasok sa NCR plus. So kung sila po ay essential worker definitely po sila ay papayagan pero kapag non-essential workers sasabihan lang po yung papasok na bumalik na po,” paliwanag ni BGen. Usana.
Ang mga itinalagang quaratine control points ay ang mga sumusunod:
Sa Bulacan hanggang sa boundary ng Pampanga, inilatag ang checkpoint sa : 1. DRT Highway, Brgy. Bulualto, San Miguel Bulacan hanggang Gapan, Nueva Ecija 2. Brgy. San Roque Road, Baliuag hanggang Candaba, Pampanga Mac Arthur, Brgy. Gatbuca, Calumpit, Bulacan hanggang Apalit, Pampanga at Brgy San Pascual, Hagonoy, Bulacan hanggang Sapang Kawayan, Masantol Pampanga.
Sa NLEX Southbound exit kasama ang may checkpoint ang: Pulilan ext; Sta Rita ext.; Bocaue ext; Philippine Arena ext; Meycauayan ext at Marilao ext.
Sa Cavite-Batangas boundaries naman: Brgy. Amuyong, Alfonso, Cavite hanggang Nasugbu, Batangas; Brgy. Sapatang 1, Ternate, Cavite hanggang Nasugbu, Batangas; Brgy. Sungay East at San Jose Tagaytay City hanggang Brgy. Guillermo, Talisay, Batangas
Sa Laguna-Batangas boundary: Brgy. Makiling, Calamba City hanggang Sto. Tomas, Batangas; Brgy. San Agustin, Alaminos, Laguna hanggang Sto. Tomas, Batangas
At sa Laguna-Quezon boundaries naman: Brgy. San Antonio 2, San Pablo City, Laguna hanggang Tiaong, Quezon City ; Brgy san Antonio Luisana, Laguna hanggang Lucba, Quezon ; Brgy. Tunhac, Famy Laguna hanggang Real, Quezon At Brgy. San Isidro Majayjay Madlena Road hanggang Lucban, Quezon.
-
Tuloy na tuloy na ang serye nila ni Alden: BEA, inaming na-pitch sa kanya ang ‘Start Up’ na naging rason para maging Kapuso
TULOY na tuloy na ang pagtatambal ng Kapuso actress na si Bea Alonzo at ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa local adaptation ng 2020 South Korean series na Start-Up. Hindi nag-announce ang Kapuso Network na tuloy ang romantic-drama series, hanggang hindi nila naayos ang contract nila in partnership with Korea’s CJEMM. According to Senior Vice President […]
-
1k na newly-hired contact tracers, magsisimula ng kanilang trabaho ngayong linggo- Usec.Malaya
TINATAYANG 1,000 newly-hired contact tracers ang magsisimula ng kanilang trabaho ngayong linggo. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesman Undersecretary Jonathan Malaya na mahigit sa 10,000 ang nag-apply bilang contact tracers kung saan mahigit 2,000 applications naman ang in-assessed ng DILG. “Doon sa 5,754 […]
-
LTFRB magbubukas ng 3 bagong ruta
MAGBUBUKAS ng tatlong bagong ruta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa napipintong paghinto ng operasyon ng serbisyo ng Philippine National Railways (PNR). Ang mga sumusunod na bagong ruta ay ang FTI-Divisoria via East Service Road, Alabang (Starmall) – Divisoria via South Luzon Expressway para sa mga public utility buses […]