• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 23rd, 2021

Ads March 23, 2021

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Checkpoint ops ng PNP palalakasin sa mga boundaries

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nilinaw ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) hindi na pinapayagan ang sinumang nais lumabas at pumasok sa Metro Manila batay sa context ng bubble requirement ng national government.

 

 

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana, dahil nasa NCR ang outbreak ng Covid-19 virus minarapat ng national government na lakihan ang spread ng boundaries.

 

 

Layon nito na malimitahan ang paglabas-masok ng publiko sa Greater Manila Area para maiwasan ang pagtaas pa ng kaso ng Covid-19.

 

 

Walang travel restrictions within sa NCR, Cavite, Bulacan, Rizal at Laguna dahil ikinukunsidera ang mga ito na one bubble, NCR+.

 

 

Pinapayagan lamang bumiyahe sa ibang probinsiya kung ang biyahe ay essential at ang pinakamahalaga ay ang compliance sa LGU arrival requirement.

 

 

Sinabi ni Usana may mga checkpoints nang itinalaga sa loob at labas ng mga boundaries.

 

 

Ang pinapayagan sa ngayon na pumasok ng Metro Manila ay ang mga essential workers lamang o yung mga authorized persons outside residence (APOR) kasama na dito ang mga delivery goods and services.

 

 

Ang mga hindi essential workers ay hindi maaaring makapasok ng Metro Manila.

 

 

Ayon kay Usana sa dalawang linggo ipatutupad ng PNP ang ganitong set-up kaya hindi puwedeng makalabas ang sinoman sa NCR maliban na lamang kung mayruong maipakitang ID na isa itong essential workers.

 

 

Apela ng PNP sa publiko na huwag nalang munang bumiyahe para magbakasyon at manatili na lamang sa bahay ngayong Semana Santa.

 

 

Nilinaw naman ni Usana na naka depende sa mga local chief executives kung anong mga pamamaraan na kanilang ipatutupad sa mga lumabag o violators.

 

 

Paalala ng PNP may umiiral pa ring curfew hours kaya kung nais bumiyahe mula NCR patungong Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan dapat gawin ito sa umaga o hapon ng sa gayon hindi masita sa mga checkpoints. (Daris Jose)

Mag-face mask sa bahay kung may kasamang iba – DOH

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pormal nang ipinayo ng Department of Health (DOH) sa publiko ang pagsusuot ng face mask sa loob ng mga tahanan kung may kasama kahit na kamag-anak.

 

 

Sa limang rekomendasyon na ibinigay ng DOH nitong Sabado ng gabi, kasama dito ang “Mask at home when not alone”.

 

 

“Everyone is called on to wear their mask properly, and to observe other preventive strategies, AT ALL TIMES and IN ALL SETTINGS even at home when living with other persons, especially the vulnerable,” ayon sa DOH.

 

 

Ito ay makaraan na pumalo nitong Sabado ng hapon ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa 7,999 na siyang pinakamataas na naitala sa bansa nang magsimula ang pandemya.

 

 

Bukod dito, ipinayo rin ng DOH na manatili na lamang sa bahay ang publiko kung hindi “essential” ang pakay; tiyakin na maayos ang sirkulasyon ng hangin sa mga bahay; agad na komunsulta kapag nakaranas ng mga sintomas; at magtungo na kaagad sa mga isolation facilities kaysa sa mga ospital.

 

 

Sa mga nakararanas ng sintomas, maaari silang tumawag sa mga mobile numbers: 0919-9773333; 0915-7777777; at (02)8865-0500.

 

 

Nagpaalala rin ang DOH sa publiko na huwag nang lumabas ng bahay sa Holy Week at mag-online mass na lang muna. (Gene Adsuara)

Standhardinger paaastigin si Holmqvist sa Gin Kings

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KARAMIHAN marahil sa mga kumakarir sa basketbol, gustong mapunta sa Barangay Ginebra San Miguel kapag nag-propesyonal na o mag-Philippine Basketball Association (PBA).

 

 

Isa na riyan si Ken Holmqvist.

 

 

Mas mapalad nga lang ang 26 na taong gulang na Filipino-Norwegian sa ibang kapwa basketbolista dahil napagbigyan ang kanyang inaasam.

 

 

Sa virtual 36th PBA Draft 2021 noong Linggo, Marso 12, unang inanunsyo ni BGSM coach Earl Timothy Cone ang pangalan ng 6-8 slotman bilang first round, 12th overall pick ng Gin Kings.

 

 

Magkasunod sina Holmqvist at Fil-American Brian Enriquez na first pick at second round, 13th overall na kinuha ng crowd darlings.

 

 

Silang dalawa lang ang mga kinuha ng alak sa sa draft na kinapalooban ng 86 aplikante at 65 ang mga binunot ng 12 koponan. Nag-pass na ang Ginebra sa third round.

 

 

Makakapareha ni Holmqvist si Fil-German Christian Standhardinger na bagong salta lang din sa team pero magiging mentor niya. Galing si C-Stan sa NorthPort Batang Pier via trade kay Gregory William Slaughter.

 

 

Namamalagi na sa ‘Pinas si Holmqvist, pero naisipang umuwi ng Norway noong 2016. Ilang taon ang nakalipas, bumalik ng bansa at natupad na ang pangarap.

 

 

“I’m really happy to be picked by Ginebra,” bigkas ni Holmqvist na lumaro dati sa Far Eastern University Tamaraws sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

 

 

“That’s exactly where I wanted to go,” panapos na wika nang magiging isa  sa pangunahing piyesa ng new-look frontline ng Kings.

 

 

Ang iba pang malalaking makakapareho niya sa Gins ay sina Prince Caperal at Japeth Paul Aguilar. Kadarating lang din ni Standhardinger mula NorthPort sa one-on-one swap kay Greg Slaughter.

 

 

Aabangan ng Opensa Depensa ang ‘binyag’ ni Holmqvist sa liga na planong magbvukas ng 46th season Philippine Cup 2021 sa Abril 18 sa Ynares Center sa Antipolo City.

Esteban todo pakondisyon

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ALAGA ng miyembro ng PH 2019 Southeast Asian Games women’s team foil bronze medalist na si Maxine Isabel Esteban ang pangangatawan at kalusugan kahit isang taon nang tengga sa mga kompetisyon dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

 

Sa social media post nitong isang araw lang, todo ehersisyo ang 19-anyos na dalagang seksi at masigla pa rin sa kabila na gumambala sa sports at mga atletang gaya niya ang pandemya.

 

 

Tumagpas ang tsinita at balingkinitang fencer sa kanyang rookie year sa 81st University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2018-19 ng tatlong gold at isang bronze medal patungo sa paggawad sa kanya ng Rookie of the Year award, at Most Valuable Player trophies.

 

 

Napagkampeon din niya ang Ateneo de Manila Lady Eagles sa women’s division nang taong iyon saw along paaralang liga, tinuldukan ang 13-season reign ng University of the East Lady Warriors. (REC)

TOM at CARLA, October 2020 pa engaged pero ngayon lang ni-reveal

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MATAGAL na palang engaged ang longtime na mag-sweetheart din naman na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

 

 

October 2020 pa ay engaged na ang dalawa kunsaan live-in na rin naman sila ng matagal kaya nitong nakaraang enhanced community quarantine, silang dalawa talaga ang magkasama sa bahay ni Carla.

 

 

Kaya halos lahat naman talaga, parang hinihintay na lang ang announcement nila na engaged na sila or kung kailan sila magpapakasal.

 

 

Noong March 21 nga, sa pamamagitan ng kanilang mga Instagram accounts ay ini-reveal na nila ang naging engagement nila.

 

 

Sabi ni Tom, “I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this…”

 

 

Na sinagot naman daw ni Carla nang, “A Million YES” ang proposal ni Tom sa kanya.

 

 

At least, sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

 

 

***

 

 

NAG-TRENDING ang picture nina Coco Martin at Julia Montes na diumano’y spotted papuntang Boracay or sa airport na mismo don.

 

 

Kung sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, parang given na kung kailan magsasabing enagaged at magpapakasal, sina Coco at Julia naman, parang given na at hindi man sila umaamin at nagsasalita, alam ng lahat na sila naman talaga.

 

 

So, ang hinihintay na lang din siguro, kailan sila formal na aamin sa relasyon nila o hinihintay ng marami kung totoo nga ang isyu ng may anak na sila at kung kailan naman nila ito ipapakita.

 

 

Anyway, marami raw ang natuwa nang makita ang dalawa na magkasama. Ilan sa mga comments, naaliw na makitang dala-dala raw ni Coco ang bag ni Julia.

 

 

    “Ang cute ni Coco. Siya ang may dala ng bag ni Juls.”

 

 

     Siyempre, pinaka-happy sa lahat ng sighting/spotted news na ito kina Coco at Julia ay ang mga tagahanga ng dalawa. (ROSE GARCIA)

PIA, gumawa ng history dahil first Miss Universe titleholder na ipi-feature sa ‘Arab Fashion Week’

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GUMAWA ng history si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil siya ang kauna-unahang Miss Universe titleholder na ma-feature sa digital edition ng prestigious Arab Fashion Week. 

 

 

Si Pia ang magbubukas ng Arab Fashion Week on March 24, suot ang avant-garde creation of fellow Filipino Furne One of Amato Couture, kilala as the “King of Couture” in Dubai at favorite designers ng Hollywood celebrities tulad nila Beyonce, Mariah Carey, Lady Gaga, Ariana Grande, Katy Perry, Shakira, Jennifer Lopez and Nicki Minaj. 

 

 

“The five-minute fashion film starring Pia will pay sartorial homage to life beyond Earth — an exploration to the unknown dimension of life, a new beginning, a life after life,” ayon sa rep ng Arab Fashion Week.

 

 

All-black ang collection ng Furne One na binubuo ng over-the-top ruffled gowns with soft laces, leather finishings and flowy ostrich faux feathers.

 

 

Happy si Pia na gawin ang digital fashion show dahil malapit daw sa puso niya ang Middle East, lalo na ang mga tao rito at ang kultura nila.

 

 

“I am excited to see what I can do to connect and hopefully influence my community through all the works and activities lined up for me for the rest of the year.”

 

 

***

 

 

SA New Zealand na pala naka-base ang dating Viva Hot Babe na si Asia Agcaoili.

 

 

Ayon kay Asia, ten years na siyang nakatira sa New Zealand at nagpapasalamat ito na hindi gaano naapektuhan ang naturang bansa ng COVID-19 pandemic.

 

 

“Maganda ang buhay sa New Zealand. Hindi namin masyadong na-feel ‘yung mga lockdown-lockdown na ‘yan. Well, everyone gets scared of COVID, but then we look at the news and we go like ‘Wow. It’s almost like the apocalypse. Let’s have a steak.’ You know what I mean? It’s a little bit weird that we’re kind of oblivious of it. But, yeah, hang on in there, mate,” sey ni Asia.

 

 

Meron din daw safety protocols na implemented, but in general, movement and daily activities ay hindi limited compared sa ibang bansa.

 

 

“We’re only required to wear a mask in certain areas, especially like public transport, but you know, we’re good. Hopefully, pati Pilipinas maging ganun din,” dasal pa niya.

 

 

Sa Auckland based si Asia at ang kanyang pamilya. Normal na raw ang takbo ng buhay niya ever since na nawala siya sa showbiz. Pero paminsan-minsan daw ay iniisip niyang bumalik sa showbiz kaya panay ang punta niya sa The New Zealand Stage & Screen Combat School (NZSSCS) para mag-aral ng fight scene techniques.

 

 

Isa sa paboritong tambayan ni Asia ay ang Cornwall Park at ang Ladies Bay Beach kunsaan kasama niya ang kanyang husband at anak na lalake at namamangha sila sa view ng Rangitoto Volcano.

 

 

“Ito ‘yung paborito kong beach dito sa Auckland kasi ano lang siya…a few minutes away sa aming bahay at sa main city, kaya napaka-accessible. At kitang-kita n’yo naman ang kagandahan ng place na ito.”

 

 

Na-enjoy na raw ni Asia ang simpleng buhay kasama ang kanyang pamilya.

 

 

***

 

 

NANANAWAGAN ang maraming Asian-Americans sa Hollywood na tapusin ang paglaganap ng ‘Asian Hate’ sa Amerika.

 

 

Maraming na-shock sa naganap na shooting sa tatlong spas sa Atlanta, Georgia na ikinasawi ng walong babae, anim sa napatay ay women of Asian descent. Isa raw itong hate crime laban sa mga Asians.

 

 

Ang suspect sa hate crime na ito ay si Robert Aaron Long, 21-years old na taga-Woodstock, Atlanta. He is facing four counts of murder and a charge of aggravated assault. Ang parents mismo ni Long ang nagpahuli sa kanya sa mga pulis.

 

 

Ayon sa aktor na si Simu Liu, isang Canadian-Chinese at bida sa Marvel film na Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings, natatakot ito para sa safety ng kanyang mga magulang.

 

 

“I fear for my parents’ safety because of a virus, although perhaps not the one you’re thinking of. I’m talking about the hate crimes being committed against Asian people at an alarming rate over the past year. Anti-Asian racism is very real, and it will not be solved with an opulent rom-com or Marvel superhero, but with you — the bystanders — acknowledging the validity of our pain.”

 

 

Sey naman ng Crazy Rich Asians star Gemma Chan, na isang British-Chinese: “Racism and misogyny are not mutually exclusive. In fact, sexualised racial harassment and violence is something that many of us face regularly. We need to stop the dehumanisation of Asians. We need to stop the scapegoating of Asians for Covid. We need to unite against all forms of hate.”

 

 

Para naman sa American-Korean comedian at The Masked Singer judge Ken Jeong: “It was about the harassment and violence that Asians experienced when the pandemic began.”

 

 

Nakiusap naman ang American-Vietnamese star ng To All the Boys na si Lana Condor na kumustahin ng lahat ang kanilang Asian friends at makiisa sa laban nila.

 

 

“Check on your Asian friends, as many of them are deeply scared, horrified, sick to their stomachs and wildly angry even though they aren’t publicly grieving on social media.”

 

 

Nag-post naman ang Korean-American actress and stand-up comedian Margaret Cho ng kanyang galit at lungkot sa isang video on Twitter.

 

 

“I’m so angry and full of grief because of what happened in Atlanta. I lived in Atlanta for seven years and I’m… I just don’t understand. And it is a hate crime. It is a hate crime. When you kill eight Asian women, it’s a hate crime. I don’t know why there’s even a question. This is terrorism and this is a hate crime. Stop killing us.” (RUEL J. MENDOZA)

JC Intal nag-retiro na sa paglalaro sa PBA

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpasya na si PBA veteran JC Intal na magretiro sa paglalaro.

 

 

Sa kaniyang Instagram, sinabi nito na isang mabigat na desisyon ang ginawa niyang pag-alis sa nasabing liga sa loob ng dalawang dekada.

 

 

Isang malaking karangalan aniya na maging bahagi sa nasabing liga.

 

 

Matapos kasi ang paglalaro niya sa Ateneo Blue Eagles ay naging fourth overall pick ito sa 2007 PBA Rookie Draft ng Air21 Express.

 

 

Matapos ang dalawan gseason ay lumipat ito sa Barangay Ginebra at Purefoods bago bumalik sa Barako Bulls noong 2013 hanggang sa makuha ito ng Phoenix Fuel ang koponan

 

 

Naging bahagi siya ng 2015 FIBA Asia Championship sa China na mayroong average na 3.8 points, 2.3 rebounds at 1.3 assist per game.

Dating kagawad tinodas ng riding in tandem sa Malabon

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dedbol ang isang negosyante na dating barangay kagawad matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Ricky Legaspi, 51 at residente ng Adante St. Brgy. Tañong.

 

 

Lumabas sa inisyal na imbestigayon, dakong 2:20 ng hapon, nagtungo ang biktima sa Estrella St. Brgy. Tañong at nang iparada na niya ang kanyang motorsiklo ay pinagbabaril ito ng hindi kilalang gunman.

 

 

Matapos ang pamamaril, sumakay ang gunman sa naghihintay na motorsiklo na minamaneho ng kanyang hindi rin kilalang kasabwat bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima sa naturang pagamutan subalit, hindi na ito umabot ng buhay.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente. (Richard Mesa)

Pinuno ng Caritas Manila at Radio Veritas, nagpositibo sa COVID-19

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanawagan ang Caritas Manila at Radio Veritas ng panalangin para sa mabilis na kagalingan ng pinuno ng dalawang institusyon ng Simbahang Katolika matapos magpositibo sa COVID-19.

 

 

Nabatid sa isinagawang RT-PCR swab test na positibo si Rev. Fr. Anton CT Pascual at ilang opisyal at kawani ng Caritas Manila sa COVID-19.

 

 

Kasalukuyang nagpapagaling sa COVID-19 si Fr. Pascual sa Cardinal Santos Medical Center habang naka-quarantine naman ang mga kawani ng Caritas Manila na nagpositibo sa nakakahawang sakit.

 

 

Matatandaang sa pamumuno ni Fr Pascual, naging aktibo ng Caritas Manila sa pagtugon sa mga pangangailangan dulot ng COVID-19 sa pamamgitan ng pamamahagi ng COVID-19 kits, 1.5-bilyong pisong “Gift Certificates” at Caritas Manna packs sa 9.8-milyong indibidwal.