• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

200-K trabaho, inaasahang maibabalik – DTI

Aabot sa 200,000 trabaho ang inaasahang maibabalik kasunod ng paglalagay sa National Capital Region (NCR) gayundin sa mga karatig na lalawigan ng Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna, sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula bukas, Mayo 15.

 

 

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, magmula nang inilagay kasi ang “NCR Plus” sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso ay 1.5 million Pilipino ang nawalan ng trabaho.

 

 

Bumaba ito ng hanggang 1 million nang inilagay ang NCR at mga karatig lalawigan sa ilalim naman ng modified ECQ noong Abril.

 

 

Sa ngayon, ang bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho ay bumaba pa sa 700,000 matapos na payagan ng national govenrment ang limited operations ng ilang mga establisiyemento tulad ng mga dine-in restaurants, barber shops at parlors sa gitna ng MECQ.

 

 

Kagabi sa isang televised address, inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang NCR Plus ay ilalagay na sa ilalim ng GCQ na mayroong “heightened restrictions” mula Mayo 15 hanggang Mayo 31.

 

 

Kabilang sa mga economic activities na pinapayagan sa bagong quarantine classification na ito ay ang indoor dine-in services sa 20% venue o seating capacity, outdoor o al fresco dining sa 50% venue o seating capacity, at outdoor tourism. (Daris Jose)

Other News
  • DOH nagpasaklolo sa PNP kontra ‘vape’

    NAGPASAKLOLO na ang Department of Health (DOH) sa Philippine National Police (PNP) para matulungan sila sa pagpapatupad ng batas na nagbabawal sa mga menor-de-edad na bumili at gumagamit ng vape o e-cigarettes. “I actually wrote a letter to the PNP asking them to implement the law and make sure none of these minors should have […]

  • Philippine rowers suportado ng PSC

    Bukod sa tulong-pinansiyal ay suportado rin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mental health ng mga national rowers na tatarget ng Olympic Games berth sa Tokyo, Japan.     Ang Medical Scientific Athletes Services (MSAS) units ng PSC ang nagpapatibay sa pag-iisip ng five man-national rowing team na sasagwan sa 2021 World Rowing Asian-Oceanian Olympic […]

  • GROUP TOUR, BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING

    NASABAT ng  ahente ng Bureau of Immigration (BI)  sa Mactan-Cebu International Airport ang labing-isa na indibidwal na hinihinalang biktima ng human trafficking biyaheng Dubai, UAE noong June 21, 2023.     Kabilang dito ang pitong babae a6 apat na lalaki na pinagdududahan sa initial inspection  ng primary Inspector kaya ipinasa sila sa Travel Control and […]