P14.1B ginastos ng gobyerno sa PPEs, med equipment vs. COVID-1
- Published on June 2, 2020
- by @peoplesbalita
Gumastos ang pamahalaan ng P14.1 billion para sa pagbili ng protective gear, test kits, at medical equipment bilang bahagi ng pagsisikap ng bansa para mapigilan ang COVID-19. Sa halagang ito, P12.1 billion ang napunta sa pagbili ng 6,062,019 personal protective equipment (PPE) sets habang ang P1.6 billion ay ginamit naman sa pagbili ng 9 na iba’t ibang klase ng PCR test kits. Ito ang nakasaad sa weekly report ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Kongreso.
Ibinahagi rin ng Pangulo na ang 10 units ng automated nucleic acid extraction machines ay binili sa halagang P400 million.
Sinabi ni Pangulong Duterte na may kabuuang 1,458,000 PPE sets o 23.79% ang idineliber sa bansa.
Ang karagdagang 65,330 PPE sets ay binili rin gamit ang pondo mula sa dating procurement.
Inaasahan naman ng Pangulo na ang delivery ng test kits ay makukumpleto sa susunod na buwan.
Iniulat din ng Chief Executive na ang Department of Science and Technology (DOST) ay nagsimula na ng mass production ng reusable face masks na 10,000 masks kada linggo na may layunin na dagdagan ang 50,000 masks kada linggo sa katapusan ng Hunyo.
Ang proyekto ay naglalayong mag- produce ng 500,000 face masks, ang kalahati nito ay ido- donate sa mga frontline government workers habang ang natitira naman ay iko-contribute sa inventory ng masks ng pamahalaan.
Sinabi ng Philippine Textile Research Institute ng DoSt na nitong Marso ay ang re-wearable face masks ay ia-aplay sa textile water-repellent finishing technology na dinevelop ng PTRI para sa karagdagang proteksyon laban sa viruses at bakterya na kadalasang kumakalat sa pamamagitan ng water droplets. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Sen. Hontiveros: Masterminds sa likod ng ‘pastillas’ scheme, nakapagbulsa ng halos P40-B
AABOT umano ng halos P40 billion ang naibulsa ng mga taong nasa likod ng kontrobersiyal na “pastillas” scheme sa Bureau of Immigration (BI) at pag-abuso sa Visa Upon Arrival (VUA) system simula noong 2017. Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, tinatayang limpak limpak na salapi ang nakurakot ng mga opisyal ng BI base sa arrival […]
-
Ito ang kauna-unahan niya kaya panay ang training: PIA, naghahanda sa pagsali sa New York City marathon
NAGHAHANDA na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pagsali niya sa New York City marathon. Ito raw ang kauna-unahang marathon na sasalihan niya kaya panay ang training niya. “It’s only 3 months before race day and these were my thoughts before I started training and got serious about running cos […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 10) Story by Geraldine Monzon
BUHAY si Angela. Ang ama ni Roden na si tatang ang nakapagligtas sa kanya mula sa trahedya ng malaking pagbaha. Si Roden, ang dating kaopisina at kaibigan ni Bernard na may malaking pagkagusto kay Angela noon pa man kahit na sa pagkakaalam niya ay kasambahay lang ito ni Bernard. Walang nabago sa damdamin ni Roden […]