• March 23, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2020, Year of Filipino Health Workers – Duterte

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2020 bilang Year of Filipino Health Workers.

 

Nakasaad sa Proclamation No. 976, ang pangangailangan na bigyang-pugay ang kabayanihan at sakripisyo ng mga doctors, nurses, midwives at lahat ng health workers na itinataya ang kanilang buhay sa linya ng kanilang serbisyo lalo na ngayong humaharap sa COVID-19 pandemic ang Pilipinas.

 

Maliban dito, ang Pilipinas, bilang miyembro ng World Health Organization (WHO) ay sinusuportahan ang deklarasyon nito na nagsasaad na dapat bigyang pagkilala ang lahat ng health workers.

 

Iniatas naman sa Department of Health (DOH) ang pangunguna sa pag-oobserba ng Year of Filipino Health Workers habang ang mga LGUs, GOCC, SUCs at iba pang departamento ng pamahalaan ay hinihikayat na makipagtulungan at asistehan ang DOH sa implementasyon ng proklamasyong ito.

 

Lahat naman ng national local publications, TV networks at radio stations ay hinihikayat na makiisa sa pagpapakalat ng awareness at public support sa mga programa at aktibidad na mayroong kinalaman sa selebrasyon nito.

 

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang naturang proklamasyon nitong Hulyo 6.

Other News
  • LandBank naglunsad ng ₱50B loan program para sa mga crisis-affected businesses

    NAGLUNSAD ang Land Bank of the Philippines (LandBank) ng bagong loan program para sa mga negosyong labis na tinamaan ng natural o man-made disasters, gaya ng Russia-Ukraine war.     Sa isang kalatas, araw ng Linggo, inanunsyo ng LandBank ang bagong programa na tinawag nitong NATION SERVES, o National Assistance Towards Initiating Opportunities to Entities […]

  • ‘One-time, big-time’ tigil pasada ikinakasa!

    NAGBANTA ang isang transport group na magtitigil-pasada at magsasagawa ng ‘one-time, big-time’ na transport strike, kung hindi pagbibigyan ng pamahalaan ang kanilang hiling na ibalik muna ang hiling na pisong provisional increase sa pasahe.     Binigyan lamang ng grupong Liga ng Transportasyon at mga Operators sa Pilipinas (LTOP) ang Land Transportation Franchising and Regulatory […]

  • Maharlika Wealth Fund ‘soft-launch’ nakatakdang gawin ni PBBM sa Switzerland

    NAKATAKDANG  pag-usapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tungkol sa panukalang sovereign wealth fund ng bansa sa harap ng mga kapwa lider ng mundo sa 2023 World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, sa susunod na linggo.     Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).     Ayon kay DFA Undersecretary […]