2021 budget, pinakamahalagang budget proposal ni Pangulong Duterte sa Kongreso-Malakanyang
- Published on October 10, 2020
- by @peoplesbalita
PARA sa Malakanyang, ang panukalang 2021 national budget ang pinaka- importanteng proposed national budget ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ito ang binigyang-diin ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna na rin ng paninindigan ng Malakanyang na hindi uubrang gumamit ang gobyerno ng re-enacted budget sa susunod na taon.
Ang punto ni Sec. Roque, mahalaga ang mungkahing pondo sa 2021 dahil nakapaloob dito ang magiging gastos ng gobyerno para tugunan ang nananatili pa ring problema sa Covid- 19.
Hindi aniya kakayanin kung re- enacted ang gagamiting pondo gayong walang nakapaloob sa budget ng pamahalaan ngayong taon ang tungkol sa pagtugon sa corona virus.
Sinabi pa ni Sec. Roque na 2021 proposed national budget pa lamang naglagay ng allotment ang gobyerno para Covid-19 at itinuturing ito ng Pangulong Duterte bilang pinakamahalagang budget proposal sa kapwa Mababa at Mataas na Kapulungan.
“Because last year, when we had the re-enacted budget, we did not have Covid, this is the first budget that has built in measures intended to respond to Covid-19 and that’s why this is probably the most important budget that the President has proposed to both Houses of Congress,” ayon kay Sec. Roque.
-
NDRRMC, pinag-iingat ang mamamayan sa mapagsamantalang kumukuha ng donasyon sa mga biktima ng bagyo
Nanawagan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga nais na magbigay ng anumang donasyon sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses na ibigay ito sa mga mapagkakatiwalaang grupo. Ayon sa NDRRMC, na hindi pa rin maiwasan na may mga ilang grupo ang sinasamantala ang pagkakataon. Dapat aniya na tignan ng […]
-
Netflix Unveils ‘TRESE’ Official Trailer & New Photos
NETFLIX has finally revealed the full trailer for the upcoming Filipino anime series, TRESE. In Trese, “When it comes to the supernatural, the cops have Alexanda Trese on speed dial. Set in Manila and based on the award-winning Filipino comic, TRESE brings horror folklore like you’ve never heard before.” Based on the acclaimed black […]
-
DA, hinikayat ang mga Pinoy na iwasang magsayang ng bigas, bumili ng locally produced rice
HINIKAYAT ng Department of Agriculture (DA) ang mga mamimili na iwasang magsayang ng bigas at bumili ng locally produced rice para tulungan ang mga magsasaka na lumaki at lumakas ang kanilang kita. Sa Palace press briefing, sinabi ni Dr. Karen Eloisa Barroga, Deputy Executive Director for Development of DA-PhilRice, na sa ilalim ng […]