2022 polls: Magkaisa kasunod ng pag-withdraw ni Sen. Bong Go – Mayor Inday
- Published on December 4, 2021
- by @peoplesbalita
Matapos ang pag-atras ni Sen. “Bong” Go sa kanyang kandidatura sa pagka-pangulo sa 2022 national and local elections, nanawagan ng pagkakaisa ang vice presidential aspirant na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Una nang sinabi ng tagapagsalita ni Mayor Inday na si Liloan, Cebu Mayor Christine Frasco, na naniniwala ang alkalde na ito ang magiging daan tungo sa pagkakaisa kasama ang BBM-Sara Uniteam para magtagumpay sila sa kanilang mga plano para sa bansa.
Dagdag pa ni Mayor Inday na mula nang inilunsad niya ang kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente sa Pilipinas, ay hinimok na nito ang lahat na suportahan ang administrasyong Duterte para mapalawak pa ang magandang nasimulan ng kanyang ama.
Dapat din aniya ay respetuhin na lamang ang naging desisyon ni Senator Go kung sa pag-atras sa kanyang kandidatura.
Kung maaalala, ka-tandem i Mayor Inday si dating Senator “Bongbong” Marcos Jr., para sa 2022 elections sa ilalim ng Uniteam Alliance.
Binuo ito ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), Hugpong ng Pagbabago (HNP), at Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) (Daris Jose)
-
PDu30, suportado ang planong magkaroon ng local production ng Covid-19 vaccines
SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang planong magkaroon ng local production ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines. ito’y matapos na iulat ni Trade Secretary Ramon Lopez, sa isang virtual meeting, na may apat na pharmaceutical firms ang nagpahayag ng kanilang intensyon na makipagsapalaran sa local vaccine manufacturing. Ani Lopez, kasalukuyan nang nakikipag-usap […]
-
Malaya na dahil final na ang ‘divorce decree’: TOM, hangad na ma-grant birthday wish ni CARLA na maging masaya
SA official statement ni Tom Rodriguez na inilabas sa Facebook account ng manager niyang si Popoy Caritativo noong June 17, nag-wish ito na sana’y ma-grant ang birthday wish ng dating asawa na si Carla Abellana na maging masaya. Pahayag ni Tom, “Now that the divorce decree is final, I truly wish Carla’s birthday […]
-
Lim, iba pang karatekas gagawin lahat para makapasok sa Tokyo Olympics
Para kay national karateka Jamie Lim, ito na ang pinakahuling tsansa niyang makapaglaro sa 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan. Kaya naman lahat ay kanyang gagawin para manalo sa lalahukang Olympic qualifying tournament sa Hunyo sa Paris. “Everyone wants to be part of the Olympics, and this is really the last […]