• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2,055 na mga Dumagat, tumanggap ng food packs mula sa INC

LUNGSOD NG MALOLOS – Kabilang sa mga donasyon ng religous group na Iglesia ni Cristo nitong nakaraang buwan, may kabuuang 2,055 Dumagat ang tumanggap ng mga food pack sa pamamagitan ng programang “Kumustahan at Talakayan sa IPs sa Doña Remedios Trinidad sa Panahon ng Pandemya” na inorganisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office.

 

 

Nagsimula ang programa noong Huwebes sa mga bayan ng Doña Remedios Trinidad at Norzagaray kung saan may 1,752 na benepisyaryo ang natulungan habang may kabuuang 303 na benepisyaryo naman mula sa Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan sa ginanap na programa kahapon.

 

 

Kamakailan, nagbigay ng 4,000 donasyong food packs ang INC na naglalaman ng mga naka-pack na bigas, mga de lata, at mga instant coffee kung saan mahigit sa kalahati nito ay ipinamahagi sa indigent population.

 

 

Inihayag naman ni Josephine R. De Mesa, kapitana ng Brgy. San Lorenzo, Norzagaray, ang kanyang pasasalamat dahil laging kabilang ang kanilang barangay sa listahan ng mga benepisyaryo.

 

 

“Kami po kasama ng aking mga ka-baranggay ay lubos pong nagpapasalamat sa walang sawang pagtulong po ninyo sa amin pagdating po sa mga ayuda; hindi niyo po nakakalimutan ang Brgy. San Lorenzo kaya maraming salamat po,” ani De Mesa.

 

 

Samantala, inihalintulad naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang nasabing grupo bilang instrumento ng Panginoon sapagkat patuloy silang tumutulong at nagsasagawa ng mga mabubuting gawain lalo na sa panahon ng pandemya.

 

 

“May mga ginagamit ang Panginoon na mga tao na ibaba sa atin ang mga biyaya; sa pagkakataong ito ay ang mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo. Lahat po ay kinikilala natin sapagkat ang kailangan natin ngayon ay pagtutulungan, pagmamahalan at pagkakaisa,” anang gobernador.

 

 

Maliban sa pamamahagi ngrelief goods, patuloy din ang pagsasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng “Tulong Pang-Edukasyon para sa Bulakenyo” upang magbigay tulong sa mga Bulakenyong iskolar at patuloy na pagbabakuna para sa mga Bulakenyo upang labanan ang COVID-19 sa lalawigan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • LTFRB, tumatanggap muli ng application for consolidation

    BUKAS na muli ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa aplikasyon ng mga sasakyan na sasailalim sa consolidation system na bahagi ng PUV mo­dernization program ng pamahalaan.     Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, binuksan muli nitong Oktubre 15 ang pagtanggap ng aplikasyon para sa consolidation bilang tugon sa kahilingan ng […]

  • 3 CHINESE NATIONAL, INARESTO SA PANUNUTOK NG BARIL

    ARESTADO ang tatlong Chinese national matapos mambugbog at nanutok ng baril sa isang tricycle driver sa Binondo, Maynila      Kinilala ang mga naaresto na sina Jialuo Yan, Jimmy Dy, Benson Tan.     Sa ulat ng Manila police District  (MPD), kapwa nakainom ang mga suspek nang matyempuhan ng mga operatiba na binubugbog ang mga […]

  • Rosales, Terrafirma may hinahanap pang piyesa

    WALA pa ring angas ang Terrafirma may anim na taong kampanya sa Philippine Basketball Association (PBA)     Sa ika-46 na edisyon ng unang Asia’s play-for-pay hoop nitong 2020 Philippine Cup, nangulelat ang Dyip sa pagsungkit lang ng isang panalo at may 11 talo season.     Inesplika ni  team governor Demosthenes ‘Bobby’ Rosales nitong […]