$20M bare-knuckle boxing match ‘di kinagat ni Tyson
- Published on July 24, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi pinatulan ni dating undisputed heavyweight champion Mike Tyson ang offer na $20 million upang lumaban sa bare-knuckle boxing match ngayong taon.
Matatandaang ibinida ni Tyson na gusto nitong muling lumaban sa boksing sa isang exhibition match sa edad na 54 na ikinatuwa ng boxing fans.
Dahil dito, agad na inoperan ni BKFC (Bare-Knuckle Fighting Championship) president David Feldman na lumaban si Tyson sa kanilang boxing match.
Isinapubliko ni Feldman ang offer kay Tyson na $20M para lumaban sa kanyang promotion kung saan sasagupa ang dating tinaguriang “Baddest man on the Planet” na si Tyson na walang suot na gloves.
“We offered Tyson $20 million and some additional benefits, but he turned it down,” ani Feldman.
Patuloy ang ginagawang ensayo ni Tyson at base sa huling video na ipinakita ng fans, sumasagupa na ang boksingero sa sparring session.
Dahil sa ipinakitang speed at power, naniniwala ang marami na babalik sa boksing si Tyson pero marami rin ang nagsabi na hindi na kayang lumaban pa ni Tyson dahil wala na itong lakas at stamina.
Nang tanunging tungkol sa pagiging unstoppable noong kanyang kasikatan, sumagot si Tyson at sinabing: “I feel unstoppable now. The gods of war have reawakened me. They’ve ignited my ego and want me to go to war again.”
-
Maraming natutulungan dahil sa tinayong comedy bar: VICE GANDA, pinasasalamatan ng mga komedyante tulad nina Petite at Divine Tetay
SINGLE si Jean Garcia at kuntento na raw siya na wala siyang inaalagaan at walang problema pagdating sa topic ng pag-ibig. Mas importante raw sa aktres ang kanyang pagmamahal sa mga anak, sa dalawang apo at sa kanyang sarili. “Hindi ko alam kung nakasanayan na lang or siguro mas tinanggap ko na lang. […]
-
Sasamantalahin na mamasyal at mag-shopping… BARBIE, ‘di magtatagal sa Chicago dahil may movie silang gagawin ni DAVID
IPINAGTAPAT ng lead star ng first-ever figure skating drama na ‘Heart on Ice’, na si Ashley Ortega, na dream-come true sa kanya ang teleserye. “Three years old pa lamang ay nahilig na po akong mag-training nito at nagsimula na rin akong mag-join ng competitions sa Thailand, China, Japan at Malaysia. Nakaipon na rin po ako, […]
-
Halos P1.5M shabu nasamsam sa 6 na miyembro ng “Onie Drug Group”
NASAMSAM sa anim na miyembro ng umano’y notoryus na “Onie Drug Group” na nag-ooperate sa northern area ng Metro Manila at Bulacan ang halos P1.5 milyon halaga ng shabu matapos ang matagumpay na buy-bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan city at San Jose Del Monte (SJDM) city, Bulacan. Ayon kay […]