20M doses ng Covid- 19 vaccine, makukuha sa second quarter ng taon
- Published on March 10, 2021
- by @peoplesbalita
MAY makukuha pang mahigit na 20 million doses ng COVID-19 vaccines ang Pilipinas sa second quarter ng 2021.
Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni vaccine czar and National Task Force against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., na ito’y sa pagitan ng buwan ng Abril, Mayo o Hunyo.
Bagama’t hindi naman niya idinetalye ang bilang ng doses para sa kada brand ng bakuna ay sinabi ni Sec. Galvez na ang 20 million doses ay manggagaling mula sa Sinovac BioTech, World Health Organization-led COVAX facility, Novovax, at AstraZeneca.
“So kung June — June – July, kung sa second quarter, we expect na mayroon tayong ano, sir, nandiyan ang Sinovac at saka ‘yong nandiyan din po ‘yong COVAX at saka iyong Novavax. And then also ‘yong ano sir sa May – June, baka dumating na rin po ‘yong AstraZeneca. Mayroon pong order ang ano ang private sector na 2.6 million.
So nakita natin baka humigit tayo ng mga ano mga 20 million po ang ating makukuha between ano — between the ano April, May, June po, sir, iyong ano ‘yong second quarter po,” ang pahayag ni Sec.Galvez.
Sa ulat, lumagda ang pamahalaan at ang private sector ng isang kasunduan noong Nobyembre ng nakalipas na taon nagsasaad na bibili ng bakuna sa AstraZeneca.
Target naman ng pamahalaan na sa “second quarter” ng kasalukuyang taon ay nabakunahan na ang lahat ng economic frontliners. (Daris Jose)
-
PBBM, ipinag-utos ang Whole-Of-Gov’t Approach para palakasin ang bagong maritime program
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang whole-of-government approach para palakasin ang bagong maritime industry program, nakikitang makapagdadala ng mahalaga at matibay na economic growth sa bansa. Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa idinaos na Philippine Maritime Industry Summit 2023, sinabi ng Pangulo na sakop ng bagong programa, tinawag na Maritime […]
-
SOLENN, sincere na nag-apologize matapos ma-bash; hindi intensyon na maka-offend
NAG-APOLOGIZE na si Solenn Heussaff matapos na ma-bash ng netizens dahil sa ipinost niyang photo sa social media para i-promote ang kanyang art exhibit na may titulong ‘Kundiman’. Deleted na ang naturang IG post ng Kapuso actress/host na kung saan nakaupo siya sa wooden chair at nasa ilalim nito ang kanyang ginawang bonggang […]
-
“THE BOSS BABY” SEQUEL “FAMILY BUSINESS” REVEALS FIRST TRAILER
THERE’S a new boss, baby. Check out the first official trailer of DreamWorks Animation’s The Boss Baby: Family Business and watch the film in Philippine cinemas 2021. Facebook: https://www.facebook.com/uipmoviesph/videos/848986719204643 YouTube: https://youtu.be/q2oJ0ShkrIw In the sequel to DreamWorks Animation’s Oscar®-nominated blockbuster comedy The Boss Baby, the Templeton brothers—Tim (James Marsden, X-Men franchise) and his Boss Baby little bro Ted (Alec Baldwin)—have become […]