PAGKATAPOS na maging bagong celebrity endorser ng Smart Communication, nasa plano na raw ng Marvel Cinematic Universe actor na si Chris Evans ang bumisita sa Pilipinas kapag maayos at ligtas na ang bumiyahe.
Kelan lang daw nalaman ng aktor na maraming magagandang pasyalan sa Pilipinas.
“What do I know about the Philippines? Well, I’ve heard great beaches, I’ve heard that today. Great food, great people, every time there’s an Asian territory it’s always hard to leave because it’s welcoming, aesthetically beautiful.
“I can’t wait to get out there. I can’t wait to visit, I’ve heard so many wonderful things and this partnership makes me more excited to come and say hi.”
In regards sa social media, hindi raw big fan si Chris ng maraming social media apps dahil gusto niyang mag-ingat.
Kung matatandaan last year, kumalat via social media ang photo ng kanyang pagkalalake by accident. Dapat ay video ang ipo-post niya sa Instagram, pero mali ang napindot niya sa kanyang gallery.
“I’m not a big fan of social media apps in general and I’m only on Twitter and Instagram. I mean, what are the other ones? Facebook, I’m not on Facebook but I do know there’s a Facebook page for me but I had nothing to do with it.
“I mean, I’m new to Instagram. I suppose I use Twitter the most. It’s tough to choose a favorite because they all make me just a little sad.”
***
HINDI lang charm at galing sa acting ang ini-offer ni Paul Salas sa The Lost Recipe, kundi pati na rin ang talent niya sa pagkanta.
Si Paul ang umawit ng “Tama Ba o May Tama Na,” na kabilang sa OST ng nasabing fantasy-romance series. Ang single ay produced ng Playlist Originals at available na for download sa iba’t ibang digital platforms worldwide.
Tila saktong-sakto ang kanta sa mga nangyayari ngayon sa trending series ng GMA Public Affairs dahil palakas na nang palakas ang nararamdaman ng karakter ni Paul as Frank para kay Chef Apple (Mikee Quintos). May pag-asa nga ba siya sa kanyang ‘match’?
Huwag nang pigilan ang kilig at manuod ng The Lost Recipe, gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras simulcast sa GTV!
***
HINDI raw mapigilan minsan ni Benjamin Alves na maalala ang kanyang yumaong ama tuwing kaeksena niya si Leo Martinez sa teleserye na Owe My Love.
Marami raw kasing hindi nasabi at nagawa si Benjamin sa kanyang ama bago ito pumanaw noong 2018.
Kaya dinadaan na lang daw ito ng aktor sa mga eksena niya with Leo na gumaganap na lolo niya sa teleserye.
“I hope you hear the things I never got to say to you through my relationship with Lolo Badong (Leo Martinez). I hope you see how much I wanted to say I love you but never could. I wish I could’ve taken better care of you the way Migs does to his Lolo. Still, I hope you are happy with me as your son,” post ni Benjamin via Facebook.
Kaya lahat daw ng mga linya ni Benjamin bilang si Doc Migs sa Owe My Love ay sinasapuso niya. Natutuwa naman ang aktor dahil marami raw televiewers ng teleserye ang nakaka-relate sa lolo-apo relationship nila Doc Migs at Lolo Badong. (RUEL J. MENDOZA)