• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

21-yr-old Harnaaz Sandhu ng India, bagong Miss Universe

Tinanghal bilang bagong Miss Universe ang pambato ng India sa katatapos na 70th coronation sa Eilat, Israel.

 

 

Si Harnaaz Sandhu ay 21-years-old pa lamang na kasalukuyang nag-aaral ng master’s degree in public administration.

 

 

Sumalang sa dalawang question and answer portion si Sandhu- una ay para sa Final 5 at pangalawa ay iisang katanungan para sa Final 3.

 

 

Narito ang unang interview portion sa Miss India:

 

Many people think climate change is a hoax. What would you do to convince them otherwise?

 

 

“Honestly my heart breaks to see how nature is going through a lot of problems, and it’s all due to our irresponsible behavior. I totally feel like this is the time to take actions and talk less, because each action could either kill or save nature. Prevent and protect is better than repent and repair, and this is what I’m trying to convince you guys to do. Thank you.”

 

 

Habang sa pangalawang round ay patungkol sa kung paano i-handle ng mga kabataan ang pressure, bagay na kanyang sinagot ng:

 

“I think the biggest pressure the youth today is facing is to be I think the biggest pressure the youth today is facing is to believe in themselves. To know that you are unique and that what makes you beautiful, stop comparing yourselves with others and let’s talk more important things that’s happening worldwide. I think this is what you need to understand. Come out and speak for yourself because you are the leader of your life, you are the voice of your own. I believed in myself, and that’s why I’m standing here today.”

 

 

Iginawad naman ang pagiging second runner-up sa Miss South Africa at first runner-up ang Miss Paraguay.

 

 

Samantala, panalo pa rin sa puso ng mga Pinoy si Beatrice Luigi Gomez sa kabila ng kabiguang masungkit ang panglimang Miss Universe crown sa bansa.

 

 

May mga nanghinayang dahil tila abot kamay na raw ng 26-year-old Cebuana beauty ang Miss Universe title ngayong taon.

 

 

Mula kasi sa 80 candidates, nakapasok ito sa Top 16, Top 10, at nagtapos sa Final 5 kasama si Miss Colombia.

 

 

Nairto ang question and answer portion kay Gomez sa Final 5:

 

2016 Miss Universe Iris Mitinarre: Given the ever-changing COVID situation, what is your opinion of mandating a universal vaccine passport?

 

 

“I believe that public health is everyone’s responsibility, and to mandate vaccine inoculation is necessary. If mandating vaccine passports would help us in regulating the rollouts of the vaccine, and mitigate the situation of the pandemic today, then I would agree on mandating the necessary passport of vaccination. Thank you.”

 

 

Kung maaalala, si Iris ng France ay sa Pilipinas kinoronahan matapos ang reign ni Pia Wurtzbach.

 

 

Sa kabilang dako, emosyonal si Andrea Meza ng Mexico nang ipinasa na ang Miss Universe crown matapos lamang ang pitong buwan nitong May 2021 coronation.

 

 

Ka-batch ni Meza si Rabiya Mateo ng Pilipinas na nagtapos sa Top 21. (Daris Jose)

Other News
  • PINOY SKATERS, POKUS SA TOKYO OLYMPICS

    HINDI naging balakid ang malaking kawalan ng world-class training facility sa bansa, dahil sa ‘di matatawaran ang kahusayan ng Pinoy skateboarders na patuloy na namamayagpag sa kasalukuyan.   Sinabi ni Carl Sembrano, bagong halal na pangulo ng Skateboarding and Rollerskates Sports Association of the Philippines (ARSAP), malaki ang tsansa ng mga Pinoy na mapasabak sa […]

  • Caloocan-Manila connector, bukas na sa motorista, toll libre pa

    BINUKASAN na nitong Miyerkules ng hatnggabi ang 5-ki­lometrong NLEX connector na magdudugtong sa Caloocan at Maynila.     Wala pang sisingiling toll ang NLEX sa mga motorista para maranasan muna ng mga motorista ang kaginhawaan sa paggamit nito.     Magugunitang una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layon nitong gawing 5 minuto […]

  • Mga miyembro ng Kamara tuloy sa trabaho kahit naka-recess

    NGAYONG Biyernes ay pumunta sina Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., Laguna Rep. Dan Fernandez, Patrol Party-list Rep. Jorge Bustos, at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang chairman ng House Committee on Dangerous Drugs sa Cavite upang saksihan ang ginawang pagsunog sa may P6 bilyong halaga ng iligal na droga […]