212 Navoteños hired-on-the-spot sa mega job fair
- Published on July 4, 2024
- by @peoplesbalita
BILANG bahagi ng ika-17th cityhood anniversary celebration, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng job opportunities at nagbigay ng suporta sa mga small businesses.
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, itinampok sa Mega Job Fair, na inorganisa ng City Public Employment Service Office (PESO), ang 50 partner companies na nag-aalok ng mahigit 6,000 job opportunities sa iba’t-ibang industriya.
Mahigit 300 Navoteños na naghahanap ng trabaho ang nag-aplay sa naturang mega job fair kung saan umabot sa 212 individuals ang hired on the spot.
Ang aktibidad ay nagsilbi rin bilang one-stop-shop para sa mga nangangailangan ng serbisyo mula sa government agencies tulad ng Philippine Statistics Authority, Pag-IBIG, Social Security System, at PhilHealth.
Bumisita naman si Mayor Tiangco sa job fair saka binati niya ang mga natanggap kaagad sa trabaho at pinaalalahanan na pagbutihin nila ang mga trabahong kanilang natanggap. (Richard Mesa)
-
Pagkalat ng pekeng partylists ikinaalarma ng mambabatas
IKINAALARMA ni Gabriela Women’s Party List Rep. Arlene Brosas ang pagkalat ng mga pekeng partylists na kakandidato sa Kongreso. Ayon sa mambabatas, taliwas ito sa isinusulong na partylist system na mabigyan ng boses ang marginalized sectors ang mga partylists na pinangungunahan ng mga businessmen, political dynasties, at indibidwal na sangkot sa red-tagging. […]
-
Quezon city naglunsad ng ‘care card’ para sa LGBTQIA+ couples
INILUNSAD ng Quezon City government ang Right to Care Card para payagan ang mga LGBTQIA+ couple na gumawa ng mga medikal na desisyon sa ngalan ng kanilang mga partner. Inilunsad ang card habang nagho-host ang lungsod ng Pride Festival, na nagsilbing plataporma para sa komunidad ng LGBTQIA+ na palakasin ang mga panawagan para […]
-
Mas mahigpit na protocol sa public transpo, malabo – DOH
Wala pang nakikitang dahilan ang Department of Health (DOH) para magpatupad muli ng mahigpit na panuntunan sa pampublikong transportasyon sa kabila ng banta ng mas nakakahawang UK variant ng COVID-19 na nasa bansa na. Sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na ang pagbubukas ng pampublikong transportasyon ay para mabalanse ang […]