Mas mahigpit na protocol sa public transpo, malabo – DOH
- Published on January 27, 2021
- by @peoplesbalita
Wala pang nakikitang dahilan ang Department of Health (DOH) para magpatupad muli ng mahigpit na panuntunan sa pampublikong transportasyon sa kabila ng banta ng mas nakakahawang UK variant ng COVID-19 na nasa bansa na.
Sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na ang pagbubukas ng pampublikong transportasyon ay para mabalanse ang ekonomiya at ang kalusugan ng mga mamamayan.
Maaari naman umano na hindi mahawa ang mga mananakay ng UK variant o kahit ng normal na uri ng COVID-19 kung mahigpit lamang na susunod sa mga panuntunan at protocols habang dapat rin na mahigpit ang pagpapatupad nito ng mga sangkot na sangay ng pamahalaan.
“I think enforcement at strict compliance to these different protocols would be the key, hindi natin kailangan isarado uli lahat ng mga iba’t ibang sektor ng ating lipunan kung atin lang masusunod ang mga protocols na meron na tayo sa ngayon,” ayon kay Vergeire.
Sa kabila nito, patuloy ang obserbasyon ng DOH sa mga susunod na araw sa pagkalat ng naturang UK variant kung may mga gagawin silang pagbabago sa mga protocols na ipinatutupad. (GENE ADSUARA)
-
100 MEDICAL WORKERS SA NAVOTAS, NABAKUNAHAN NA
NASA 100 medical workers ng Navotas City Hospital ang unang nakatanggap ng bakuna ng Coronavirus Disease 2019 noong Biyernes sa pangunguna ni Dr. Roan Salafranca, NCH Chief of Clinics. Tinanggap ng Navotas ang mga bakuna noong Huwebes at dinala sa cold room sa Navotas Polytechnic College. “Tuwang-tuwa kami at nagpapasalamat na […]
-
Pdu30, pinayagan sina Duque at Galvez na dumalo sa senate probe hinggil sa umano’y overpriced na pagbili ng medical supplies
PINAYAGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sina Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ipagpatuloy lang na dumalo sa Senate probe hinggil sa di umano’y overpriced na pagbili ng medical supplies. “Kung tawagin niyo, paulit-ulit na naman, sabagay naumpisahan na kasi, Secretary Duque, I will allow him to go […]
-
Mga bansa sa buong mundo nagpataw ng global sanction sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine
NAGPAPATAW ngayon ng bagong mga parusa ang iba’t-ibang bansa sa buong mundo laban sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine. Ang European Union, Japan, Australia, New Zealand, at Taiwan ay pare-parehong pinatawan ng bagong injunction ang Moscow, Russia bilang pagkondena sa naging paglusob ng militar nito. Sinabi ni European Commission […]