220 couples sa Bacolod, ikinasal na nakasuot ng face masks dahil sa COVID-19 scare
- Published on February 22, 2020
- by @peoplesbalita
Aminado ang alkalde ng lungsod ng Bacolod na kakaiba ang isinagawang mass wedding kamakalawa kung saan 220 couple ang ikinasal.
Ayon kay Mayor Evelio Leonardia, sinadya na 220 pares ang ikakasal dahil ibinatay ito sa petsa na Pebrero 20, 2020 o 02-20-2020, na hindi na mauulit.
Ito rin aniya ang unang pagkakataon na nagsuot ng face mask ang mga bride at groom na libre ang naging pag-iisang dibdib.
Dahil dito kaya maituturing din daw itong Maskara Festival kung saan kilala ang Bacolod City.
Ang face masks ay ipinamimigay ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng City Health Office bilang bahagi ng precautionary measures laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Samantala, kinilalang oldest couple sina Jennifer, 62-anyos, at Rolly Dela Cruz, 60, na 38 taon nang nagsasama bago nagpakasal.
Isinagawa ang seremonya sa lobby ng Bacolod Government Center.
-
Ads April 11, 2025
-
Cha-cha, dapat nakatuon sa paghikayat sa mga potential investors
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pag-aaral para amiyendahan ang 1987 Constitution ay dapat na nakatuon sa kung paano aakitin at hihikayatin ang mas maraming investors sa bansa. Sa isang ambush interview sa Muntinlupa City, hiningan kasi si Pangulong Marcos ng reaksyon sa kamakailan lamang na panawagan ng Mababang Kapulungan […]
-
Did you miss her? Watch the teaser for “M3GAN 2.0,” in PH cinemas on June 25
The bitch is back. Blumhouse shares a teaser trailer of “M3GAN 2.0,” the sequel to the hit 2023 horror film about a humanoid child-sized robot turned murderous. Watch the teaser on Facebook: https://tinyurl.com/aeu44yb2 Also on TikTok: https://tinyurl.com/n36hybad A brand new “M3GAN 2.0” launches in Philippine cinemas on June 25. Follow Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH […]