• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

235 Araw ng Kapanganakan ni “BALAGTAS” ginugunita

ORION, BATAAN —Pinangunahan ng mga opisyales sa local ng munisipyong ito kasama ang mga opisyales ng KWF, NCCA, NBDB ang paggunita ng 235 taong kaarawan ng Bayaning Makatang si Gat Francisco “Balagtas” Baltazar noong ikalawang araw ng Abril taong 2023. Na may temang “Kultura ng Pagbabasa Tungo sa Pagkakaisa.”

 

 

Para sa kaalaman ng lahat, ang komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang naatasan ng batas na pangungunahan ang dakilang gawaing ito. Sa batas ng “Proklamasyon Blg. 964 serye ng 1997 na pinamagatang Pagdeklara sa ika-2 ng Abril ng bawat taon bilang Araw ni Balagtas.”

 

 

Ayon sa kinatawan ng Mayor Antonio L. Raymundo, napag-alaman na dito tumira sa Orion, Bataan ang dating manunulat na siyang may akda ng sikat na dulang Romantikong Florante at Laura at ng iba’t iba pa niyang mga akdang libro na siyang ginamit sa halos lahat ng mga paaralan hanggang sa kasalukuyan.

 

 

“Dito sa Orion, Bataan naninirahan sa kanyang mga huling araw ang sikat na si “Balagtas” hanggang isang araw ay may naganap na sunog sa kanilang tahanan na siyang kadahilanan sa pakasunog ng kanyang mga iba’t iba pang mga obra,” dagdag pa niya.

 

 

Ayon sa pananalita ni Atty. Marites B. Taran KWF Direktor Heneral, “Napapanahon ang temang ito sapagkat naaapektuhan ng “internet addiction” ang reading habits ng mga kabataan ngayon.” “Nakitaan ng mga eksperto na may pagbaba sa hilig ng mga bata sa pagbabasa bungsod ng internet.”

 

 

“Ang pagbabasa ay pagpapakain sa utak” dagdag pa ni Atty. Taran.

 

 

Ayon naman kay Kgg. Arthur P. Casanova ang tagaPangulo ng KWF “Dapat pananatilihin at ipagpapatuloy ang pag gamit ng wikang Filipno sa lahat ng antas sa lipunan.”

 

 

Kasama sa pagdiriwang ang mga kinatawan ng iba’t ibang grupo ng Media. Isa na ang Publishers Association of the Phil. Inc., (PAPI) na kinakatawan ng News Sydicate Digest publisher at ang publisher ng Tarlac Insider, PIA REg.3, RTVM, Radyo Veritas, DWBL at iba pa. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Actress-beauty queen, inaming nakaramdam ng galit: TOM, nagpaliwag at nag-apologize kay KELLEY sa pagkakadawit sa issue

    INAMIN ng Kapuso actress-beauty queen na si Kelley Day na nakaramdam siya ng galit nang idawit ang pangalan niya sa hiwalayan issue ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana.   Nagsalita si Miss Eco International 2020 first runner-up sa online show nila Boobay at Pepita Curtis na ‘Kalurks’ sa YouLOL channel.   Sa tanong ni […]

  • Simon isinabit na ang playing jersey

    DAHIL sa paglagay na ng Magnolia Chicken sa kanya sa unrestricted free agent, ipinasya ni Peter June ‘PJ’ Simon na magretiro matapos ang 17 taong paglalaro sa Philippine Basketball Association (PBA).   Para tipid, sa social media na lang pinarating ng beteranong basketbolista ang kanyang saloobin.   Iginiit ng 40 taong-gulang, may taas na 5-11 […]

  • Matapos ang serye ng rollback, presyo ng langis nakaamba na namang tumaas

    MAKALIPAS  ang halos dalawang buwan, nakatakda ang presyo ng langis para sa panibagong pagtaas, bago ang pagpapatuloy ng mga personal na klase at paghahanda para sa pagdagsa ng mga pasahero na inaasahan sa susunod na linggo.     Inaasahang tataas ang presyo ng diesel ng P2.50 hanggang P2.80 kada litro sa susunod na linggo, habang […]