• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

24/7 BI ONE-STOP-SHOP OFFICE, PINASINAYAAN

PINASINAYAAN ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang bagong 24/7 One-stop-shop na tanggapan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

 

Ang kanilang bagong tanggapan ay matatagpuan sa ikatlong level, Government Clearing Center ng NAIA Terminal 3  na nagseserbisyo sa mga dayuhang pasahero  na nangangailangan ng visa extension at exit clearances.

 

 

Pinangunahan ni  BI Commissioner Norman Tansingco ang seremonya kasama ang ilang opisyal ng BI, Department of Justice, at Manila International Airport Authority.

 

 

“Upon my assumption in office we immediately assessed where we are and what needed to be done,” ayon kay  Tansingco.  “The creation of this office to cater to those who would need urgent immigration documents was seen as a solution to improve our services,” dagdag pa nito.

 

 

Nilinaw ni  Tansingco na ang nasabing tanggapan ay para lamang ito sa mga dayuhang pasahero na nangangailangan ng immigration documents. Ang ibang mga dayuhan ay pinapayuhan na bumisita sa halos 60 mga tanggapan nationwide.

 

 

“We heed the directive of the President and the Secretary of Justice to ensure that services are fast, efficient, and accessible to the public,” ayon kay Tansingco. (Gene Adsuara)

Other News
  • ‘Middleman’ sa Percy Lapid killing, namatay sa Bilibid

    PATAY  na ang sinasabing ‘middleman’ at kumontak sa self-confessed gunman na si Joel Escorial at tropa nito upang likidahin ang broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid ng DwBL.     Kinumpirma ni Justice Secretary Crispin Remulla na Oktubre 18 pa ng hapon namatay si Crisanto Palana Villamor, na kilala rin bilang ‘Idoy” na […]

  • Balik-showbiz na after ng term as Congresswoman: VILMA, looking forward na makagawa ng teleserye or movie kasama ng new breed of actors

    MUKHANG magbabalik na ulit sa showbiz ang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos.     Hindi tatakbo si Ate Vi sa anumang posisyon sa darating na eleksyon. Tatapusin na lang daw niya ang kanyang pagiging congresswoman hanggang May 2022.     “This year, election year, I took a backseat. Hindi muna ako […]

  • Pinas, isinasapinal na ang ‘roadmap’ para sa COVID-19 Alert 1

    ISINASAPINAL na ng Pilipinas ang “roadmap” para sa tinatawag na “new normal” o “loosest of 5 COVID-19 alert levels.”     Umaasa kasi ang adviser at researcher ng bansa na mas mapaluluwag na ang restriksyon sa Marso.     “The declaration of Alert Level 1 requires continued adherence to health rules and a high vaccination […]