24K TABLETS IPINAMAHAGI SA MGA ESTUDYANTE SA VALENZUELA
- Published on January 11, 2021
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang pamamahagi ng 24,000 tablets sa mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralang elementarya at sekondarya sa lungsod.
“After going through a strict and stringent procurement process, as well as importation process, this week, we will release 24,000 smartphones to our students in our public schools who stated that they do not have any handheld device during enrollment,” ani Gatchalian sa simula ng pamamahagi nitong Enero 5 na tatagal hanggang Enero 9.
Base sa enrollment declaration ng Department of Education (DepEd) Valenzuela noong nakalipas na taon, 24,000 sa 130,000 estudyante sa pampublikong paaralang elementarya at sekondarya sa lungsod ang walang smartphone o gadget para sa online classes.
Sa berepikasyon ng DepEd Valenzuela ay natuklasan na ang mga student-beneficiaries ay walang kapasidad na makabili ng sariling gadget para sa online classes na nagsimula noong Oktubre 2020 kaya’t naglaan ang Pamahlaang Lungsod ng P 69 millyon para sa pagbili ng mga nasabing tablets.
Ang mga naturang tablets ay maaaring gamitin sa panonood ng mga aralin sa Valenzuela LIVE Online Streaming School, sa pagbabalik-aral at panonood ng iba pang educational videos.
Nagbilin ang pamahalaang lungsod at DepEd Valenzuela sa mga Batang Valenzuelano na ingatan ang kanilang mga tablets dahil pinahahahalagahan rin ng lokal na pamahaaln ang kanilang edukasyon, at sinabing ang mga tablets ay nararapat lamang gamitin sa paglahok sa online classes at follow-up discussions. (Richard Mesa)
-
Andrew Garfield, Done Addressing Rumors About His Role In ‘Spider-Man: No Way Home’
ANDREW Garfield is done addressing rumors about his potential role in Spider-Man: No Way Home and that fans will find out the truth for themselves next month. Jon Watts‘ Spider-Man: No Way Home is perhaps the buzziest and most anticipated MCU project to arrive since 2019’s Avengers: Endgame. Its multiversal adventure, which brings back several actors from previous […]
-
Ads July 20, 2023
-
DA, tiniyak ang 24/7 DRRM ops para sa mga disaster-affected farmers
TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) ang 24/7 Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) ops para sa mga disaster-affected farmers. Layon nito na maayos na suriin ang epekto ng pinalakas na southwest monsoon o Habagat at bagyong Carina sa buong sektor. “Lahat po ng concerns ay pwede pong tanggapin sa […]