• December 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 11th, 2021

COPPER MASK WALA SA LISTAHAN NG FDA

Posted on: January 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ALALA  ang Department of Health (DOH) sa publiko  kaugnay sa paggamit ng face mask sa gitna ng Covid-19 pandemic.

Ayon sa DOH, may ilang uri ng face mask na hindi kasama sa listahan ng Food and Drug Administration o FDA bilang notified face masks.

Kabilang umano na  wala sa listahan ng FDA ang isnag brand ng COPPER MASK  dahil ito ay hindi medical grade.

 

Sa inilabas na listahan, kabilang sa mga copper mask ay ang sumusunod:

– Blue Cross Disposabl Surgical Mask

– Disposable Face Mask

– Face Mask PM2.5 Disposable Mask

– Indoplas KN95 Face Mask,

– Indoplas Face Mask

– KN95 Disposable Face Mask

– McBride Device Name: KN95 Protective Mask

– McBride Face Mask

– Mediclean Device Name: face Mask

– Resprotec Disposable Surgical  Mask

– Safeplus Face Mask

– Safeplus Face Mask  For Kids

– Safeplus KN95 Protective Mask

– Sure-Guard carbon face Mask

– Sure Guard Face Mask

– Sure Guard Device Name: KN95 Protective  Mask

Gayunman, facemask pa rin umano ito at nakakatulong pa rin ito laban sa pagkalat ng virus bilang “physical barrier”  kapag naglabas ng droplets ang mga tao.

Ang copper mask na nauuso ngayon kung saan karamihan ang mga kilalang personalidad ang nagsusuot nito ngunit marami na rin sa mga kababayan ang gumagamit nito bilang pananggalang sa droplets kontra Covid-19.  (GENE ADSUARA )

Ex-Mandaluyong mayor Benhur Abalos, itinalaga bilang bagong MMDA chairman – Sen. Go

Posted on: January 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Itinalaga na bilang bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si dating Mandaluyong City mayor Benjamin “Benhur” Abalos Jr.

 

Hahalili si Abalos kay dating MMDA chairman Danilo Lim na sumakabilang buhay noong nakalipas na linggo.

 

Bagama’t hindi pa kumpirmado kung ano ang ikinamatay ni Lim, sinabi nito na nagpositibo ito sa COVID-19.

 

Ang pagpapalit sa liderato ng MMDA ay kinumpirma ni Senator Christopher “Bong” Go, ngunit hindi na naglahad pa ng karagdagang mga detalye.

 

Bukas, Enero 11, umano ang nakatakdang oath-taking ng dating alkalde.

De los Santos asintang gayahin ginawa sa 2020

Posted on: January 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUBHANG naging mahirap para sa ang 2020 dahil sa Covid-19, pero mabunga pa rin ang taon para kay karateka Orencio James Virgil De Los Santos sa daming binigay na karangalan para sa bansa at mga Pinoy.

 

Pinokus ng 30-taong-gulang, may taas na 5-5 at tubong Cebu na nakabase sa Maynila na karatista ang panahon siya 52 online karate tournaments nitong Abril-Disyembre at maangas na nagwagi ng 36 gold at tig-3 silver at bronze medals.

 

Naluklok siyang World No. 1 eKata player rin sa 17,645 points nang Oktubre pa lang at namantine hanggang matapos ang nasabing taon ng pambato ng International Shotokan Ka- rate Federation (ISKF).

 

“2020 was a very difficult year for the whole world due to the coronavirus pandemic,” post ni De los Santos sa kanyang Facebook nito lang isang araw. “But fortunately for me, my sport karate adapted to the new concept of virtual competition. Without hesitation, I took the opportunity.”

 

Kalakip sa tikas niya ang pagiging Grand Winner sa eTournaments na Venice Cup, eChampions Trophy World Se- ries, Athlete’s eTournament, Katana Intercontinental League, Golden League eTournament, at eKarate Games 2020.

 

“2020, you were a great year to me. It really has been a blast. I’m all ready to exit and enter into 2021. I do hope for the world to return to normal soon,” panapos na sambit ni De los Santos. (REC)

Tulak timbog sa P122K shabu sa Malabon

Posted on: January 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Isang listed drug pusher ang arestado matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy bust operation sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si John Efren Angel, alyas OG, 29 ng Kaingin II St. Brgy. Tinajeros.

 

Ayon sa ulat, dakong 11:50 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangununa ni PSSg Julius Sembrero sa ilalim ng pamumuno ni P/Capt. John David Chua sa kahabaan ng MH Del Pilar corner Kaingin II St. Brgy. Tinajeros.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu.

 

Nakumpiska sa suspek ang nasa 18 gramo ng shabu na tinayatang nasa P122,400.00 ang halaga at buy bust money.

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensice Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

DINGDONG, kasama na ni MARIAN bilang A-list endorser ng ‘Beautederm’; RHEA, tuwang-tuwa sa ‘ Celebrity Power Couple’

Posted on: January 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WINNER ang pagsalubong sa 2021 ng Beautéderm dahil kasama na sa A-list endorser ang award-winning actor at director na si Dingdong Dantes bilang brand ambassador of Beautéderm Cristaux Supreme.

 

Nag-uumapaw nga ang kaligayahan ni Ms Rhea Anicoche-Tan sa kanyang facebook post: “This is a Terrific Treat to formally open 2021!!!!

 

“I proudly welcome Dingdong Dantes to our Beautéderm Family as the official Brand Ambassador of Beautéderm Cristaux Supreme;

 

With Marian Rivera-Dantes as the face of Beautéderm Home and Dingdong Dantes as our newest Brand Ambassador — it truly is cause for a Double Celebration!

 

“Great Things are in the horizon now that Beautéderm has this Celebrity Power Couple onboard!

 

“Cheers!!!!! #DongYan”

 

Nag-post naman ang kilalang Big Boss ng ‘Descendants of the Sun’ sa kanyang Instagram ng, “Super happy that i am now part @beautedermcoporation family. @missrheatan, maraming salamat sa tiwala! Here’s to more partnerships ahead!”

 

Dagdag post ni Dingdong, “What a terrific way to jumpstart 2021 — finally, I am a Beautéderm Brand Ambassador. Cristaux Supreme is an essential part of my daily skin regimen and it really, really works!

 

“I am filled with gratitude to you, Ms. Rai Tan for getting me to be a part of Beautéderm’s amazing family.

 

“I now see and feel what my wife Marian, who is the the brand ambassador of Beautéderm Home, is gushing about. Beautéderm is indeed a one, big happy family — and I can’t wait for all the wonderful things that we will do together this New Year!

 

“Here’s to new beginnings and a life-long partnership!

 

Mabuhay po ang Beautéderm!

 

#Beautéderm #CristauxSupreme.”

 

Naniniwala pa ang host ng ‘Amazing Earth’ na, “We men should take care of our skin too. Beautéderm Cristaux Supreme is an essential part of my daily skin regimen and as an actor, I use it daily to maintain the youthfulness of my skin. Cristaux Supreme is really age defying.”

 

“I’m very much aware of the long-term effects of my work to my skin especially now that I turned 40.

 

“I encourage every man to use an effective skin regimen like Beautéderm’s Cristaux Supreme as it will surely keep us looking fresh and youthful,” dagdag pa ng newest face of Beautederm na magsi-celebrate ng 12th anniversary sa taong ito, kaya asahan ang marami pang bonggang pasabog. (ROHN ROMULO)

Random drug testing sa PNP palalawigin

Posted on: January 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na palalawigin ang random drug testing sa lahat ng tauhan upang malaman kung sino ang  gumagamit nito.

 

Ang paniniyak ay ginawa ni  Sinas matapos na magpositibo sa si Cpl. John Rey Ibasco ng Regional Logistics and Research Development Division 13 (RLRDD-13).

 

Mula noong 2016, mayroon nang 16,839 police officers ang naparusahan sa PNP. Sa bilang na ito, 4,784 pulis ang inalis sa serbisyo, 8,349 ang nasuspinde, 1,803 ang pinagsabihan at pinaalalahanan habang 564 tauhan ng PNP ang inalis sa serbisyo dahil sa iligal na droga.

 

Ani Sinas, dapat na maging ehemplo ang pulis at pairalin ang disiplina sa buhay at trabaho at pang-aabuso sa serbisyo.

SUNSHINE, ‘di kataka-taka kung pasukin na rin ang pagdidirek

Posted on: January 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING humanga sa Instagram post ni Director Mark Reyes: “My associate director and co-producer for #bnbthebattleofbrodyanandbrandy @m_sunshinedizon hard at work planning for our first day shoot.”

 

Nakaka-bilib naman talaga si Sunshine Dizon, isang mahusay na actress, kaya hindi kataka-taka kung pasukin na niya ngayon ang pagdidirek.

 

Siguradong marami na siyang natutunan sa showbiz dahil nagsimula siyang isang child actress noon pang 1987. Hindi na rin mabilang ang mga acting awards na natanggap niya at more than 50 movies and TV projects na ang nagawa niya.

 

Si Direk Mark ang nagdirek sa simula pa ng epic series na Encantadia na gumanap na mga unang Sang’gre sina Iza Calzado, Sunshine, Diana Zubiri at Karylle, at binuo ni Direk Mark ang Sang’gre Productions Inc. na sila ang mga producers.  Nakagawa na sila ng isang movie, ang Mystified na ipinalabas sa ilang selected theaters then sa Iflix.

 

Kaya ngayon, tamang-tamang tapos na ang lock-in taping ni Sunshine ng Magkaagaw ng GMA-7 na muling magbabalik sa January 18, kaya libre na siyang mag-shoot as associate director ni Direk Mark.

 

Pinost nila nang magpa-swab test sila sa Philippine General Hospital at ngayon, naka-lock-in taping na sila sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite, na pag-aari ni Kuh Ledesma. 

 

Ang eight episode series ay gagampanan nina Iza Calzado, Ian Veneracion, Lovely Abella, Ketsup Eusebio, Ian Ignacio, at Emmanuel Levera.  It will stream sa WeTVOriginal this 2021.

 

Mukhang malalaking project ang gagawin ni Direk Mark this year, dahil ready na rin siya sa nalalapit na pagti-taping nila ng Voltes V na matagal nang hinihintay ng mga fans kung kailan nila mapapanood. (NORA V. CALDERON)

Ads January 11, 2021

Posted on: January 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

24K TABLETS IPINAMAHAGI SA MGA ESTUDYANTE SA VALENZUELA

Posted on: January 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang pamamahagi ng 24,000 tablets sa mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralang elementarya  at sekondarya sa lungsod.

 

“After going through a strict and stringent procurement process, as well as importation process, this week, we will release 24,000 smartphones to our students in our public schools who stated that they do not have any handheld device during enrollment,” ani Gatchalian sa simula ng pamamahagi  nitong Enero 5 na tatagal hanggang Enero 9.

 

Base sa enrollment declaration ng Department of Education (DepEd) Valenzuela noong nakalipas na taon, 24,000 sa 130,000 estudyante sa pampublikong paaralang elementarya at sekondarya sa lungsod ang walang smartphone o gadget para sa online classes.

 

Sa berepikasyon ng DepEd Valenzuela ay natuklasan na ang mga student-beneficiaries ay walang kapasidad na makabili ng sariling gadget para sa online classes na nagsimula noong Oktubre 2020 kaya’t naglaan ang Pamahlaang Lungsod ng P 69 millyon para sa pagbili ng mga nasabing tablets.

 

Ang mga naturang tablets ay maaaring gamitin sa panonood ng mga aralin sa Valenzuela LIVE Online Streaming School, sa pagbabalik-aral at panonood ng iba pang educational videos.

 

Nagbilin ang pamahalaang lungsod at DepEd Valenzuela sa mga Batang Valenzuelano na ingatan ang kanilang mga tablets dahil pinahahahalagahan rin ng lokal na pamahaaln ang kanilang edukasyon, at sinabing ang mga tablets  ay nararapat lamang gamitin sa paglahok sa online classes at follow-up discussions. (Richard Mesa)

Manila LGU, pinaghahandaan na ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra COVID-19 sa mga Manilenyo

Posted on: January 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGPALISTA na sa “online pre-registration” ang mga Manilenyong intresadong mabakunahan kontra COVID-19 sa “on-line registration” matapos itong ilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

 

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, inilunsad ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Manila Health Department ang online registration na www.manilacovid19vaccine.com upang maging maayos at mapaghandaan nila ang dami ng nais magpabakuna kontra Covid-19.

 

Aniya, sa oras na maaprubahan ng national government agency ang gagamiting bakuna ay handa na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa isasagawa nilang operasyon upang mabakunahan ng libre ang mga Manilenyo.

 

“Ito yung pamamaraan ng syudad na pagiging maagap na inihahanda na natin kasi modesty aside, the City of Manila reserved already P200M since July and we’ve been talking to multinational pharmaceutical pharmacies even though they are in phase 2 at that time, at yan nagtagumpay yan kasi nagkaroon ng movement,” ani Domagoso.

 

“Having said that, we will try to reach as many as possible because the first order that we are trying to eye in our own little way is 400,000 dosage that will serve 200,000 Manileños,” dagdag pa ng Alkalde.

 

Ayon pa kay Domagoso, wala rin problema kung buong pamilya ang nais magpabakuna dahil pipilitin nilang kayanin na magkaroon ng pondo para mabakunahan ang lahat ng residente ng lungsod ng Maynila.

 

Aniya, kung kukulangin ang hawak na pondo na P250 million, handa silang maglaan ng P1 billion para makabili at mabigyan ang lahat ng nasabing bakuna.

 

Tiniyak naman ni Domagoso na ang bibilhing COVID-19 vaccine ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ay aprubado ng Food and Drug Authority (FDA) dahil hindi aniya nito kukunsintihin at hindi nito papayagan ang iligal na pagbabakuna laban sa nasabing sakit.

 

“Bawal na bawal yan. Walang Presidente, walang Mayor, walang senador na magsasabi hindi pwedeng mag FDA, hindi po, may batas po. Kaya yang mga tolongges na yan pati ilang senador na nagsasabi na hindi kailangan ng FDA eh kailangan po, huwag natin hikayatin yung mga ilegal,” giit ni Domagoso. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)