• April 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

25 NBA players at 10 staff nagpositibo sa COVID-19

Pumalo na sa 25 NBA players ang nagpositibo ng COVID-19 mula ng magsimula ang malawakang testing noong nakaraang linggo.

 

Ito mismo ang ibinunyag ng NBA at National Basketball Players Association kung saan mula noong Hunyo 23 ay nasa 351 na mga manlalaro ang kanilang sinuri.

 

Siyam ang nagpositibo dito ng COVID-19 mula sa naunang 344 players na nasuri mula June 24-29.

 

Umabot naman sa 10 team staff members ang nagpositibo rin sa coronavirus.

 

Ang nasabing bilang ay mula sa 884 team staff members na sinuri mula June 23-29.

 

Agad namang inilagay sa quarantine ang mga nagpositibong players at staff.

Magugunitang mula noong Marso ay natigil ang mga laro sa NBA dahil sa pagpositibo ng ilang manlalaro kung saan nakatakda silang magbalik sa paglalaro sa Hulyo 30 sa Orlando, Florida.

Other News
  • Actor-singer na si ROMANO, pumanaw na sa edad na 51; wala pang impormasyon sa cause of death

    PUMANAW na ang actor-singer na si Romano Vasquez sa edad na 51 noong January 23.     Nakilala si Romano dahil sa pagiging regular ito noon sa programang That’s Entertainment noong early ‘90s.     Singer din si Romano at naging bahagi siya ng singing trio na Quamo. Naging hit ang 1997 single nila na […]

  • Pagbaril ng senglot na parak sa leeg ng 52-anyos na ale ‘hindi isolated case’ — DILG

    Maaaring mas madalas pa kaysa sa gustong aminin ng gobyerno ang mga nangyayaring karumal-dumal na pagpatay ng mga kawani ng Philippine National Police sa mga sibilyan, pag-amin ng Department of the Interior and Local Government.     Martes lang nang arestuhin si Police M/Sgt. Hensie Zinampan, na nakuhanan ng video nang patayin ang nakaalitang 52-anyos na si […]

  • Pahayag ng PDEA na wala sa drug watch list nito si PBBM, kinontra ni Duterte

    KINONTRA ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte ang naging pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na wala at hindi kailanman nakasama ang pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa drug watch list nito.     Ang pangako ni Duterte, ipalalabas niya ito sa publiko kapag nakuha na niya ang nasabing dokumento.     […]