250K Moderna vaccines parating sa Hunyo 27
- Published on June 22, 2021
- by @peoplesbalita
Inaasahang darating na sa bansa ang may 250,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccines sa Hunyo 27.
Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na kabilang sa darating na bakuna ay ang binili ng mga pribadong sektor.
Bukod dito, darating din sa Hunyo 24 ang karagdagang 1.5 milyong dose ng Sinovac at ngayong buwan din ay darating ang mahigit 150,000 dose ng Sputnik V.
Bago matapos ang buwan ay matatanggap na rin ng bansa ang donasyong bakuna ng US at bubuhos din ang suplay sa Hulyo na aabot sa 12M dose.
Sa kabuuan, nakatanggap na ng 14,205,870 dose ng bakuna ang bansa na binili ng gobyerno at pribadong sektor kasama ang mga donasyon.
Ngayong Hulyo ay inaasahang darating ang 11,670,000 bakuna, kabilang dito ang 4.5 million Sinovac,1 million Moderna, 1 million Sputnik V, 1.17 million AstraZeneca na binili ng mga pribadong sektor at 4 million AstraZeneca o Pfizer-BioNTech vaccines mula naman sa COVAX facility.
-
Sinuportahan din ang movie nina Alden: HEART, pina-follow na rin sa IG si MARIAN at mukhang nagkaayos na
HINDI magiging big deal ang ini-upload na video ni Maxene Magalona sa kanyang Instagram account kung walang lumantad at nagki-claim na naging lover at anak ni Francis Magalona ang 15 year old niyang anak. Ang saya-saya ni Maxene sa video habang nagda-drive ang Papa niya na si Francis M at nagra-rap na nabanggit […]
-
Resolusyong maglabas ng P10-K ayuda sa nasalanta ng bagyo lusot sa House committee
Lusot na sa isang komite ng Kamara de Representantes ang resolusyong nais magpabilis sa pagbibigay ng libu-libong ayuda para sa mga nasalanta ng mga nakaraang sakuna. Lunes nang iulat ng Gabriela Women’s Party na pasado na sa House committee on social services ang House Resolution 1402, bagay na nananawagang pabilisin ang P10,000 cash assistance […]
-
Navotas City Christmas Bazaar
IPINARAMDAM na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa kanilang mga mamamayan na ‘Pasko na sa Navotas’ sa pamamagitan ng pagpapailaw nito sa heganting Christmas tree. Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at ng kanyang pamilya ang taunang pagpapailaw sa naturang higanteng Christmas tree na matatagpuan sa Navotas Citywalk and Amphitheater at fireworks display […]