• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

28 bagong scholars, tinanggap ng Navotas

MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 28 bagong academic scholars para sa school year 2023-2024.
Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang paglagda sa memorandum of agreement na nagbibigay ng NavotaAs Academic Scholarship sa 15 incoming high school freshmen, 11 incoming freshmen sa kolehiyo, at dalawang guro na naghahanap ng mas mataas na edukasyon.
“Deserving Navoteño learners should get access to quality education without worrying about their finances. The support they receive through this scholarship enables them to dream big and work towards achieving their aspirations in life,” ani Tiangco.
Makakatanggap ang mga high school scholar ng P18,000 kada academic year para sa book, transportation, at food allowance.
Ang mga iskolar ng Navotas Polytechnic College ay makakakuha naman ng P22,000 kada academic year para sa tuition, book, transportation, at food allowance habang ang mga scholars ng ibang kolehiyo o unibersidad ay tatanggap ng P262,000 para sa parehong.
Makakakuha naman ang mga teacher-scholar ng P75,000 bawat academic year para sa kanilang matrikula; libro, transportasyon, food allowance; at research grant.
Samantala, pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor Tiangco ang Navoteño student-athletes na nagwagi ng medalya sa ginanap kamakailan na Palarong Pambansa 2023.
Ang mga medalist ay makatatanggap ng cash incentives ayon sa Navoteño Athletes and Coaches Cash Incentives Ordinance habang ang mga indibidwal na gold medalists ay makakukuha ng P4,500, silver, P4,000 at bronze, P3,500 kada sports event.
Ang mga atleta naman na nanalo bilang isang koponan ay tatanggap ng P4,000, P3,500, at P3,000 bawat isa para sa paghakot ng ginto, silver at bronze medals, ayon sa pagkakasunod. (Richard Mesa)
Other News
  • Sa category na Outstanding Asian Star: DENNIS, BARBIE at JULIE ANNE, nominated sa ‘Seoul International Drama Awards 2023’

    MABILIS ang sagot ni Beauty Gonzalez, nang tanungin siya sa mediacon ng bago niyang project sa GMA Network, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,” kung ano ang naramdaman niya nang i-offer sa kanyang makatambal si Senator Bong Revilla, sa action-comedy series?     “Kilig at excitement,” nakangiting sagot ni Beauty.     […]

  • OVP, dinepensahan ang confidential expenses, good governance fund

    DINEPENSAHAN ng Office of the Vice-President (OVP) ang  confidential expenses at good governance funds sa ilalim ng 2023 budget proposal.     Sinabi ni Office of the Vice President (OVP) spokesperson Reynold Munsayac  na ang  P2.2-billion good governance fund ay inilaan para sa public assistance, gaya ng basic social services, medical at burial assistance,  “Libreng […]

  • Tatapusin na ng UP!

    Puntirya ng University of the Philippines na masikwat ang kampeonato laban sa defending champion A­teneo de Manila University sa paglarga ng Game 2 ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.     Muling magtutuos ang Fighting Maroons at Blue Eagles sa alas-6 ng gabi kung saan […]