DOH: Publiko gustong mauna sa bakuna ang government officials
- Published on March 6, 2021
- by @peoplesbalita
Nais umano ng taumbayan na makita na maunang magpabakuna ang mga opisyal ng pamahalaan bago sila sumailalim sa ‘vaccination’, ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ni Dr. Beverly Ho, DOH Director for Promotion and Communication Service, ito ang resulta ng isinagawa nilang “focus group discussions (FGD)” kung saan tinitignan ng publiko ang mga opisyal ng gobyerno bilang kanilang mga “main influencers”.
“The FGD just showed na ito ‘yung gusto nilang makita na, ‘Ah, actually even leaders pala gagawin. Mauna kayo bago kami.’ That’s actually the narrative we see in social media so that’s also what we’ve gotten from the FGDs,” ayon kay Ho.
Kapareho ito ng isang pag-aaral sa childhood vaccination noong 2019 na nakitang ang mga health workers naman ang malaking impluwensya ng tao para magpabakuna ang kanilang mga anak.
Sa kabila nito, hindi naman kailangang agad isalang sa pagpapabakuna ang mga opisyal dahil kailangan talagang mauna ang mga healthcare workers na nasa “priority list”.
Pero nitong Lunes, ilang opisyal ng pamahalaan kabilang sina vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at testing czar Secretary Vince Dizon ang nagpabakuna na gamit ang Sinovac vaccine.
-
DOTr: Walang nangtaas-pasahe ngayon 2022
TINIYAK noong Lunes ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na magtataas ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan hanggang matapos ang 2022. Ayon kay transport Secretary Jaime Bautista hulina ang inaprubahang taas-pasahe sa marmaming public utility vehicle (PUVs) noong Setyembre. “This coming holiday season, we make it sure that there will be no […]
-
Sec. Roque, pinalagan ang patutsada ni Sen. Gordon
PINALAGAN at pinabulaanan ni Presidential spokesperson Harry Roque na nakikialam at nakikisawsaw siya sa sigalot sa pagitan ng Philippine Red Cross’ (PRC) at Philippine Health In- surance Corporation (PhilHealth) kaugnay sa unpaid COVID-19 tests. Ayon kay Sec. Roque, ang kanyang mga pahayag sa usapin ay bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. “Hindi […]
-
Pdu30, walang paki sa Pharmally
WALANG pakialam si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung banatan man ng Senado ang kompanya na sumasailalim ngayon sa sinasabing nag-suplay ng overpriced medical goods sa gobyerno nang pumutok ang COVID-19 crisis noong nakaraang taon. Pilit kasing hinahanap ng mga senador ang namamagitang ugnayan sa pagitan nina dating economic adviser to the president Michael Yang […]