• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

28 PWDs BINIYAYAAN NG HEARING AID SA VALENZUELA

PINAGKALOOBAN ng Public Employment Service Office (PESO) at Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Valenzuela City ang 28 Persons with Disabilities (PWDs) ng hearing aid sa Valenzuela City Hall.

 

Sa pakikipagtulungan ng Humanity & Inclusion (HI), ang mga benepisyaryong hirap makarinig ay sumailalim muna sa serye ng ng pagsusuri sa Hear Sound Health Care Center, at matapos pumasa ay nabiyayaan ng pagkakataong matutong magsalita at makarinig gamit ang isang “assistive device.”

 

Ang makatanggap ng hearing aid na nagkakahalaga ng halos PhP 50,000 bawat isa ay hindi lamang malaking tulong pinansyal kundi isang biyaya ng pag-asang makarinig at magsalita.

 

Dahil sa mga nasabing hearing aid, mapag-aaralan ng mga benepisyaryo ang mga tunog sa kanilang kapaligiran at kinalaunan ay inaasahang makabubuo ng mga salita at pangungusap.

 

Napag-alamang ang pag-aaral magsalita ay madalas na mas madali sa mga taong nabingi nang kahit paano ay natuto nang magsalita ng bahagya.

 

Mayroon din namang mga nabingi dahil sa pinsala, pagkabantad sa malalakas na tunog o iba pang kondisyon sa kalusugan. Gayunpaman, para sa mga ipinanganak na hindi nakaririnig, mas mahirap na mag-aral  pag-aralang magsalita at kinakailangan ng ibayong pagsasanay.

 

Karamihan sa mga benepisyaryo ay gagamit ng hearing aid sa unang pagkakataon kaya’t imo-monitor ng LEIPO at PDAO ang pag-unlad ng kanilang kakayahang makarinig at makapagsalita.

 

Maliban sa mga hearing aid, makatatanggap din ang mga benepisyaryo ng mga dehumidifier set at earmold.  Sila rin ay isaiilalim sa libreng counseling ukol sa paggamit ng hearing aid. (Richard Mesa)

Other News
  • 3 propesora sinaluduhan ng PSC

    SUMAWSAW ang Philippine Sports Commission (PSC) sa selebrasyon ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa International Day of Education nang itakda nang itampok ang tatlong propesora sa Rise Up! Shape Up Web Women in Sports Program.     “We all know how important education is in building the character of responsible citizens. […]

  • COVID-19 sa Pinas walang pagbabago hangga’t ‘di 50% ang vaccination rate

    Wala pang makikitang malaking pagbabago sa estado ng Pilipinas hanggang hindi naaabot ang 30% hanggang 50% vaccination rate ng populasyon ng bansa.     Sinabi ni Prof. Ranjit Rye ng OCTA Research Group na masyado pang maliit ang mga numero ng nababakunahan sa bansa.     Nitong Hunyo 8, uma­bot pa lamang sa 4.6 mil­yon […]

  • MRT 3 pinabilis ng hanggang 50 kph

    INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na pinabilis na ang andar ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) hangganag 50 kilometer per hour na siyang kauna-unahang pangkakataon sa loob ng anim (6) na taon.   “The increase has reduced the time between trains to four to five minutes for 20 trains at 50 kph, from […]